01-22-2013
NAKAKAINIS na lang lagi. ako na ang may pinakamaruming uniform. nakakagalit isipin saan ko ba nakukuha ito. swerte na lang ako kng sa 1 week may isang araw dun na hindi nadudumihan uniform ko. madalas madumihan is yung blouse ko. puti pa naman yung uniform ko, kaya ang sakit sa mata kung titingnan mo. lagi na lang nadudumihan yung sa may bandang likuran. ewan ko ba saan lupalok ko nakukuha yung mga dumi. kahit kunti pa yan wala akong pakialam basta ayaw kung nadudumihan uniform ko. ingat na ingat naman ako pero may nakaka survive pa din yung dumi! nyeta!
Lagi na lang akong may award sa nanay ko sa best in maruming uniform. kasi naman iniingatan ko naman talaga. yung tipong pag sasakay ako ng jeep ni ayaw ko na ngang tumama yung likod ko sa may board ng jeep. ei kaso sadyang may mga pasaherong napakamatad, pinapaurong ako kaya ang nagyayari parang nililinis ko sa kanila yung upuan sa kakaurong ko hanggang sa mapunta ako doon sa may tabi ng driver. putangina! sarap pagmumurahin ang mga mukha.
Tulad kahapon, ang saya na sana kasi walang dumi yung uniform ko, ei biglang may estudyanteng sumakay tas pinapaurong ako. obvious naman na puno ng alikabok yung jeep na yun. pinunasan ko pa ng panyo yung pwesto ko tas papaurungin lang ako? o ei di nasigawan ko. sabi ko hindi ako uurong tas tinuro ko yung bakante. nasa pwesto na nga kasi ako, ang bastos naman nya para utusan akong umurong! sinagot akong "ang arte." sa sobrang inis ko sinigawan ko ng " swerte mo naman kung uurong ako para sayo? pag nadumihan ba uniform ko ikaw maglalaba?! punyeta!". oh ei di natahimik sya. buti di na sumagot, kung sumagot yun magkakamatayan talaga kami. hahaha. :D












