Nakakatuwa yung may isang taong nagtitiwala sayo. Yung kahit na hindi kayo nagkikita o madalas na nagkakausap eh pinagkakatiwalaan at sinasabi niya parin yung mga bagay na hindi niya masabi sa ibang tao. "Ikaw lang sinabihan ko niyan." Ang sarap sa feeling. Kasi sobra yung tiwala na binibigay niya sayo.
Kaya kung isa ka sa mga maswerteng tao na pinagkakatiwalaan ng iba, sana wag mong sirain. Hangga't maaari wag. Kasi baka madala nila sa matagal na panahon yung ginawa mo at hindi na sila muling magtiwala pa sa iba.








