Pagkukumpara sa iba.
Hindi natin maiwasang hindi ipagkumpara ang mga sarili natin sa mga taong alam nating mas makahihigit sa atin. Hindi natin maiwasang maiinggit sa mga taong nakakaalwan sa atin.
Lagi nating nararamdaman yung mga insekyuridad lalo na kung may mas maganda, mas matalino, at mas sa lahat ng meron tayo.
Pero kung titingnan mo, kung titimbangin mo sa timbangan ni aling nena, hindi naman natin kailangan mainggit sa isang tao, dahil bawat tao dito sa mundo ay may kanya-kanyang kagalingan, depende nalungs saatin iyon kung paano nating iyon panghahawakan. Hindi natin kailangan ikumpara yung mga sarili natin sa iba, dahil hindi naman porket maganda sila, matalino, mayaman sila e perpekto na sila. Hindi porket nakakalamang sila sa atin e lamang na sila sa lahat ng bagay.
Bawat tao may insekyuridad, kahit pa gaano kaganda yan, yung iba nga e galit sa kapwa nila perpekto dahil takot at ayaw nilang masapawan.
Mahirap maging sekyur sa sarili mo, mahirap mabuo ang self confidence, hindi ito nadadaan sa isang gabing puro lungs review. It takes time 'ika nga. Dahil nabubo ang self confidence natin kapag nakasalamuha na natin ang iba't-ibang tao, at iyong, iba't-ibang taong yon ay hindi laging matatagpuan sa loob ng apat na sulok ng kwarto, kailangan natin lumabas, kung naka pad lak man ang geyt, i tray nating dumaan sa bintana. Kung mahulog ka man, tumayo ka, dahil walang ibang tutulong sa iyo. Kung napilayan ka, gumapang ka, walang ibang tao na gagapang para lungs sa iyo.
Sa mundong ito, may tatlong tao lungs ang tutulong sa iyo. Si ikaw, si ikaw at si ikaw. Wala kang ibang makakasama kapag mag-isa ka nalungs, kundi ang sarili mo. Walang ibang utak ang magdidikta sa iyo, kundi ang utak mo. Walang ibang kikilos para sa kinabukasan mo, kundi ikaw mismo. Ni sa isip h'wag mong pagdududahan ang sarili mo, dahil walang ibang mahihirapan at masasaktan kundi ikaw lungs. Ikaw lungs at wala nang iba.
HIndi mabubuo ang pagkato natin kung patuloy nating ipahkukumpara ang mga sarili natin sa ibang tao.











