Oh sa salitang ingles ay theater.
Ang teatro ay ang sangay ng gumaganap na sining na may kinalaman sa pag-arte ng mga kuwento sa harap ng mga nakikinig na ginagamit ang magkahalong salita, galaw, musika, sayaw, tunog at panooring kahangahanga -- tunay nga na isa o higit pa na sangkap ng ibang gumaganap na sining.
Sadyang interesante at kahanga-hanga ngunit ang produksyon nito ay sobrang malubha. Mula sa madugong brainstorming at lugawan ng utak sa story conference hanggang sa paghahanda sa bawat aspeto ng teatro.
Hindi ko iisiping malas ako dahil ang pag-aaral ng subject na ito ay interesante at exciting ngunit, subalit, datapwat talagang madugo ang mga pagdaraanan mo bago makabuo at makagawa ng isang hindi matatawarang pagtatanghal.
Isabay pa ang ang iyong propesor ay tunay namang napaka-aktibo sa mga gawaing ibinibigay sa inyo.
Nariyan ang Cinderella With a Twist activity kung saan kami ay naatasan na gawing tragic story ang all-time favorite Disney Tale na Cinderella. Isa pa ay ang creative way ng pagpe-present ng Indian Theater History. Idagdag mo pa ang monologue na kailangan ay original piece mo. Bukod pa ang midterm exam na one-act play. At ang final exam na isang malakihang theater production.
Sa tingin ko, dito talaga mahahasa ang abilidad at karakter ng isang tao. Nangunguna na ang pagkakaroon ng creative mind na sa kinasamaang-palad ay mukhang ipinagkait sa akin ng tadhana.
Hanggang ngayon kasi nasa script pa rin ako.
Pero sisiguraduhin ko sa sarili ko na may matatapos ako ngayong gabi at may maipapalabas kami sa isang araw.
K. Ang theater prod ay hindi dapat half-bake. Dapat ito ay pinag-uukalan talaga ng maraming oras at masidhing paghahanda.