Hello!
Andito ako at muling nagbabalik. Ilang buwan din akong namahinga sa paggamit ng Tumblr. At ibang social media accounts. Kasi hindi kinakaya ng utak at puso ko ang mga pangyayari kaya sorry. 😔
Hanggang ngayon mabigat ang puso ko. Halos apat na buwan na simula nung nilagay tayo sa quarantine. Iba’t ibang uri na ng quarantine ang sinusunod ng iba’t ibang bayan, pero ang bottomline ay hindi pa rin nafaflatten ang lintek na curve na ‘yan. Hanggang kailan pa kaya? Bilyon bilyon na ang utang natin oh.
Anyway.
Salamat sa mga patuloy na nagfofollow sa’kin kahit na hindi ako active. Andito na ako ulit. Kailangan ko na ulit ng outlet. Kasi naiipon na lahat. At ayaw kong sumabog.
Kamusta kayo? Sana okay pa rin kayo.












