ANO BA TALAGA??? xDDDD
kapagka madumi kwarto mo:
maglinis ka nga ang tanda tanda mo na eh!
ayusin mo nga to! nu ba yan! di ka na naawa akala ko makakapag pahinga na ako kasi matanda ka na di pa pala
ano ba yan (pangalan mo) ang tanda tanda mo na pero daig mo pa ung kwarto ng baby! ang dumi dumi
Kapagka aalis ka at nag papaalam na baka gabihin:
Tumigil ka (pangalan mo) bata ka pa! di ka pwede gabihin!
hay naku! ayan ka nanaman gagala gala ka! ang bata bata mo pa mas matindi ka pa sa call center agent!
bakit anong meron?! ba't ka gagabihin?? kabata bata mo pa! paano na kung may nangyari sayo sa daan?!
Kapagka Magpapaalam na aalis tapos pinag hihinalaan na may date or kapag pinakilala ung Friend na guy (kadalasan sa babae ung ganitong sitwasyon)
Anak.. sino ba kasama mo?? ang bata mo pa para magka relasyon eh..
May BF/GF ka na ba?? anak.. sana maalala mo naman ung pag aaral mo.. ang bata mo pa para sa mga ganyang bagay eh..
GF/BF mo na ba ung anak ko? wag kayo masyadong sumobra ah! ang bata niyo pa!
anak.. sana naman nakapili ka ng matino.. pero ang bata mo pa eh.. sana kahit sa college na..
ANG GULO DIBA?? haha~! pagdating sa gawaing bahay... ang TANDA mo na, pero sa mga katuwaan sa buhay... ang BATA mo pa.. Mommy, Daddy, ano ba talaga?? di naman siguro.. puro lang kami gawaing bahay at school work ng walang katuwaan diba?? hahaha~!
xD sino ung ganito din ung sinasabi ng magulang??








