Philippine Contemporary Aesthetics by Alice G. Guillermo (REVIEW)
"Alternative Materials"
Ang nagsulat ng artikulong aking susuriin na pinamagatang "Philipine Contemporary Aesthetics" ay si Alice Guerrero Guillermo. Siya ay isang kilalang manunulat, kritiko sa sining, at propesor ng sining sa Pilipinas.
Ang paksang aking susuriin sa kaniyang artikulo ay "Alternative Materials" Kung saan sinasaad na ang paggamit ng mga materyales na galing sa mga kanluraning bansa ay isang tradisyon na ginagawa ng mga Pilipino na pintor. Pero sa mga nakaraang taon, napagtanto ng mga lumilikha ng sining na kailangan nilang baguhin ang kasanayan na 'yon, ngunit hindi ito madaling gawain. Dahil, ang mga gumagawa ng materyales na lokal ay paunti na ng paunti dahil sa kanilang tradisyon na kumuha lamang ng kagamitan na nanggaling sa mga kanluraning bansa. Nang dahil dito, lumikha ang mga solusyon ang mga Pilipino na pintor na nais mag bago ng paggawa ng sining. Napag isipan nila na gumamit ng mga katutubo o natural na kagamitan na nakikita sa kapaligiran tulad ng 'bamboo' at 'coconut bark'.
Malaking bahagi sa proseso ng paggagawa ng sining ang mga materyales na gagamitin kaya sang-ayon ako sa paghahanap ng ibang materyales upang makagawa ng sining. Sa tingin ko, iba ang kakanyahan ng isang sining kapag pinag-isipang mabuti ang paggawa dito at pinaghirapan likumin ang mga materyales. Bukod dito, mas mababawasan ang gastos ng mga lumilikha ng sining dahil alam naman nating lahat kung gaano kamahal ang mga kagamitan na binebenta ng mga kanluraning bansa. At sabi nga sa artikulo ay maganda itong pagsubok dahil sa tingin ko ay mas lalabas ang pagiging malikhain ng isang tao kung ang mga materyales na gagamitin nila ay mga kagamitang hindi naisip gamitin ng ibang tao at dahil dito, maaari pang mas makilala ang sining nating mga Pilipino at maaari pang manghikayat ng ibang tao upang mas tangkilikin pa ang sining.
Posted: December 2, 2018; 3:06 PM









