Hello po, I'm a freshie civil eng'g student. Lagi kong vinivisit 'tong blog mo kase nakakamotivate talagang magaral. Gusto ko po talagang maging Civil eng'g at masyado akong naeexcite mag-third year kasi gusto ko ng matuto ng mga bagong kaalaman. Unfortunately, bumagsak po ako ng 7 units. Math 111 tsaka Math 215. Actually, Math isn't my forte talaga pero nag-eng'g ako kasi gusto kong mahasa 'tong skill ko na 'to na napagiiwanan ng panahon. Hahaha. Gusto ko pong 'mas' mainspire pa. Can u help me?
Hmmmm, mahirap na talaga mag start na magsolve ng problems ngayon lalo na at nandiyan ang wifi at gadgets. Pero siguro, ang mas makakapagpa-inspire sayo lalo ay walang iba kundi ang sarili mo :)
Paano? Try mo magsolve ng problems :) Kapag nasagutan mo ito ng tama ng walang tulong mula sa solution manuals! Unti-unti kang maaadik sa pagssolve ng math problems :)
Paano magstart? “Upuan mo lang yan” Umupo ka sa harap ng table mo at simulan mo magsolve :) At isipin mo ang mga sinabi mo sa akin na "Gusto kong mahasa 'tong skill ko na to' na napag-iiwanan ng panahon"sorry kung matagal reply ko :( HAPPY STUDYING :)















