12:41 am Okay, hating gabi nanaman, ito na ang oras ko para mas isipin pa kita, sa totoo lang medyo nalulungkot ako ngayon, naalala ko kase nung nagtext ka nung nakaraang gabi, sabi mo ang dami mong iniisip, ramdam ko na ns'stress ka ng mga oras na yun. Gusto man kitang tulungan pero hindi ko alam kung paano, kung pwede lang na ipasa yung stress at pagod mo matagal ko ng kinuha yan lahat sayo. Ayokong nakikita kang ns'stress, nag aalala ako sayo. Sana kahit nasa ganitong "state" lang tayo makatulong pa din ako sayo, mapagaan ko ang pakiramdam mo. Kung bibigyan lang ako ng kahit isa dun sa mga powers ni Matteo Do, pipiliin ko yung power na ms'stop ko yung time, para pwede kong pahintuin yung mga tao sa paligid natin at mayakap na ulit kita. Hug daw kase ang pinaka best na pantanggal ng stress. Kahit gaano mo pa katagal gusto, yayakapin kita mawala lang lahat ng stress mo. I soooo miss you... T________T 12:56 am PS. I Love You