Sobrang proud ko sa sarili ko (pero 'di ko naman shinare sa iba) a few days ago kasi 'yung buntis na minomonitor namin, pinapa-insertan ng straight cath para ma-drain ang ihi. Sabi ng ka-duty ko, pwede raw ba syang mag-try kasi nag-fail sya last time at gusto nyang bumawi. This time, naka-limang attempt sya, at sa panghuli, may traces na ng dugo sa straight cath. Sabi nya, ako na lang daw gumawa. Isang try ko lang, okay agad tapos na-drain na 'yung ihi. Feeling competent 'yan?











