LRT Moments.
Minsan may mga bagay kang hindi inaasahang mangyari eh. Nung pauwi na kami kanina kasama mga ka-block (generr, jem at sam) nangyari tong aksidente na ito. Kahit na tatlo kaming babae, dahil mahal namin si Generr, hindi kami sumakay sa female area para may kasama sya. sweet namin ano. :)
Ayun, habang naghihintay kami ng tren, syempre may mga mas nauna samin sa pila. kaya malamang sila yung unang makakasakay. Habang pasakay na si Kuya na hindi namin kilala, ayun, lumusot sya dun sa butas sa pagitan ng platform at tren . Syempre, nakakahiya yun. sobrang nakakahiya talaga kasi nag-ala "Kung Fu Panda" sya kasi may dalawang humawak sa kamay nya kaya nakataas yun tas yung isang paa nakalitaw hgbang ung isang paa nasa butas.
Sorry I don't mean to be rude pero nakakatawa talaga. Pero hindi kami agad tumawa kaya konting rude lang :) Pagkaalis na pagkaalis nung tren, hagalpak kami ng tawang apat eh. HAHAHAHAHAHAHA. grabe. He just made my day. hahahahaha.
PS. Mahirap magpigil ng tawa ah. Kawawa tuloy yung katabi nya, parang gustong gusto tumawa kaso di makatawa kasi syempre naaksidente na nga tatawanan mo pa.
Mema. lol












