Late Night Thoughts #1
Ang daming ganap ni 2020 no? Parang kada Buwan na lilipas may pasabog. Kung isang Teleserye ang mundo tiyak na nasa #1 Trending Watch List tayo sa WHOLE WIDE UNIVERSE (kung totoo man yung aliens kasi sila audience hehe at believer ako non haha)
CREDITS TO: ARKITEKYUKLID (https://www.facebook.com/Arkitekyuklid/)
Parang dati lang ang problema lang natin ay yung byahe natin papunta sa trabaho o sa eskwela kasi sobrang traffic sa EDSA, yung mga bayarin sa bahay, mga schoolworks naman sa mga nag aaral. Dati problema mo lang yung cellgroup member mo na tinatakasan ka at hindi nagrereply sa text mo, dati problema mo lang paano mo matatapos thesis groupmates mo.
Pero ngayon? Lahat na ng kaganapan sa mundo, problema mo na rin. Bakit? Kasi lahat tayo apektado nito. Hindi lamang isang grupo ng tao, kundi LAHAT.
Hindi masama kung dadalhin natin ang mga problema nito. Sa katunayan, mas maganda ito dahil natututunan nating makiramay sa mga taong ito. Sa paraan na ito, hindi lang natin sila natutulungan at naiintindihan, kundi, nararamdaman natin sila. WE EMPHATIZE WITH THE PEOPLE WHO EXPERIENCED TRAGEDY.
Kaso minsan, mapapaisip kadin... "ANO NA BA EARTH?" "Ano na ganaaap?"
Oo, sanay tayong mamroblema. But this year is another level of stress sa nakararami. According to Premier Value Provide Inc. o PVP they conducted an online survey with their 450 employees from May 5 to May 16. The survey looked into the stress, anxiety, and depression of the respondents, which showed “quite alarming results”. Based on the results, a substantial percentage of the respondents reported experiencing critical levels of stress (15 percent), anxiety (29 percent) and depression (21 percent). “Millennials and Gen Zs were most affected,” the survey, released on May 21, showed. The report, a copy of which was provided to The Philippine STAR, said employees who work from home during the ECQ reported higher levels of anxiety and depression compared to those who worked on-site or a combination of WFH and work-on-site. (Mendez, C. 2020. Stress, Anxiety, Depression On The Rise Among Gen Z, Millennial Employees And Those Working From Home – Survey. Retrieved from https://www.onenews.ph/stress-anxiety-depression-on-the-rise-among-gen-z-millennial-employees-and-those-working-from-home-survey)
Natanong mo na ba sarili mo o naisip mo na bang “Bakit ganito?” “Bakit sobrang gulo?” “Bakit ang labo naman ng mga nangyayari?” Nakakasira din ng utak minsan kapag sobra na yung pag-overthink natin. Kakaiba lang ang anxiety ng mga tao sa ngayon.
Mahirap talagang maintindihan ang mga nangyayari sa mundo natin. Kung isasama pa pati mga personal nating problema, mas kakaiba din ang bigat. But you know whats comforting about this whole scenarios? Is that:
We have a God that “will never leave us nor forsake.” (Hebrews 13:5) - sa kabila man ng pag-iisa natin at kalungkutan natin, may nang-iwan man sa atin sa gitna ng suliranin, pangako ng Diyos satin ay hindi Niya tayo iiwan. Hindi ka tinuturing ni Lord na parang isang laruan lang na pagkatapos gamitin ay itatapon na lang.
We have “the peace that passess all understanding” (Philippians 4:7) - sa kahit na anong pag-aalala mo at pag-iisip mo, ano man ang pinagdadaanan mo, hanggat nasa presensya ka ng Diyos, mayroon kang kapayapaan. Peace is not the absence of problems but it is our security that in the midst of problems, God is always with us. ^_^
We are certain that when we come to Him, He “will give us rest” (Matthew 11:28) - naranasan mo na ba yung nag-basketball tapos sobrang intense ng practice niyo. Kaya pag-uwi mo ng hindi ka pabebeng kukuha ng tubig e, tutunggain mo pa ang buong pitchel. Ganon ang pakiramdam once we come to Jesus in times of our weariness. Kapag pagod ka na sa buhay mo, magpa-full charge ka lang kay Lord at ibibigay Niya ang kapahingahan na hinahanap mo.
Hindi ba’t masarap sa puso na kahit madalas hindi natin naiintindihan ang plano ng Diyos ay kaya parin nating magtiwala sa Kanya? Kaya parin nating mag-pray at mag devotion at kaya rin nating mag share ng word of God online. Mahirap sa umpisa dahil hindi din natin alam kung ano pa ang bukas na haharapin natin. Hindi tayo sure kung sa December wala na bang pasabog si 2020. Wala tayong kasiguraduhan.
Jesus replied, “You don’t understand now what I am doing, but someday you will.” -John 13:7 NLT
Hayaan natin na sa tuwing wala tayong maintindihan, manatili tayong sumasamba at naglilingkod ng may katapatan sa ating Panginoon.
Dahil balang araw, maiintindihan rin natin bakit kailangan mangyari lahat ng ito sa perpekto oras na itinakda ni Lord.
Don’t worry, these too shall pass. <3
~little miss pursuer~










