ER EXPERIENCE (East Avenue Med Cntr.)
I do not own the post. But I really like and relate in what it has said. from https://www.facebook.com/irac.solomon/posts/1693964844157727
@ ER TRAUMA: (don't read) 1. first day palang nagkakawalaan na ng tourniquet; 2. nagwawala na 'yung pasyente pero dapat ikaw chill (grace under pressure daw dapat lmao); 3. you must remain calm kahit dinaig pa ang pila ng NFA rice sa tapat ng window; 4. dapat madami kang baon na explanation(s) sa mga relatives at mga doktor (na ang pagpapakahulugan yata sa STAT ay two minutes processing time) kung bakit wala pa ang result ng mga lab tests; 5. lima man 'yan o sampung tusok ng karayom sa pasyente, saan mang parte ng katawan, ang mahalaga may baon kang dugo pagbalik sa mini lab; 6. nagiging anghel ka kapag mga bata o sobrang tanda ng ine-extract-an mo (like, you have to be 100 times extra kind and patient when dealing with them); 7. ready ka na kumain and everything pero kada subo mo ng food may bubungad sa pinto sabay 'follow up ko lang po sana 'yung result ni ganito'; 8. 'yung nakaupo ka lang sa tapat ng computer at nagbi-biz pero toxic parin; 9. 'yung iniwan lang sa'yo ng doktor 'yung request form at specimen tapos kulang-kulang ang information ng patient. Doc, exam po ba 'to, fill in the blanks po ba; 10. medTech ka pero ang tingin sa'yo ng lahat nurse o kaya doktor. Hustisya po sa apat na taong pang-aalipin sa amin ni Henry, Gregorio, Harmenning, Steven at marami pang iba please; 11. TERUMO IS GOLD; 12. mananahi ang ganap mo tuwing extraction. When we all learned from our own uni(s) that the maximum time for tourniquet application is one minute but then reality says hi like, veach no, push and pull ka lang hanggang may backflow; 13. 'yung mga kapamilya na mas marunong pa sa'yo. Sana sila nalang nag-extract ng dugo. Labyu po. Hahaha; 14. normal scene na 'yung kaka-extract mo lang ng dugo few hours ago maya-maya expired na 'yung pasyente; 15. nasa ER lahat ng drama. Nandyan 'yung iyakan. 'Yung sigawan. 'Yung tipong totoo pala 'yung mga nababasa natin sa libro, 'yung mga akala natin OA na pag-ganap sa teleserye; 16. PAPASOK KANG FRESH, LALABAS KANG BASURA. True story bruh; 17. PATIENCE IS A VIRTUE. TIME IS GOLD. Srsly; 18. sinasabi mo sa pasyente na hindi masakit ang matusok ng needle kahit alam mong masakit. Guess honesty isn't the best policy. A little lie works sometimes😈; 19. KAHIT HINDI IKAW ANG MALI, IKAW PARIN ANG MALI (HELLO DOC, WHAT'S GOOD); 20. parang wala nalang sayo kahit nagse-seizure na at naghihingalo 'yung kinukuhanan mo ng dugo. Kahit basag pa mukha niyan o kaya halos hubad na kailangan may dugo. BASTA MAY DUGO. Lastlyyyy; 21. mare-realize mo na kapag ikaw ay isa't kalahating pinaglihi sa kaartehan hindi ka pwedeng maging medtech.✌
Best post po ang ER. Nakakapagod but to hell with pagod. Toxic. Mabaho. Masaya. Bye. Bakasyon na. Yaaaaas! 💕














