New Post has been published on Pinas FM 95.5
New Post has been published on http://www.pinasfm.com/melchora-ibinida-ang-kaniyang-latest-single-na-i-love-you-so-so-so/
Melchora ibinida ang kaniyang latest single na "I Love You So So So"
Isang magaling na kompositor at magaling singer ang bumisita sa atin mga ka-Pinas, yan ay si Melchora.
Si Melchora ang nasa likod ng naging hit na kanta ni Janella Salvador na “Mahal Kita Pero,” at isa naging pangatlo sa mga magagandang kanta noon sa Himig Handog.
#gallery-5 margin: auto; #gallery-5 .gallery-item float: left; margin-top: 10px; text-align: center; width: 50%; #gallery-5 img border: 2px solid #cfcfcf; #gallery-5 .gallery-caption margin-left: 0; /* see gallery_shortcode() in wp-includes/media.php */
Halos hindi makapaniwala si Melchora na magiging hit ang kaniyang sinulat na kanta dahil sa kaniyang murang edad, at isa sa mga pinkamalaki niyang pinasalamatan ay si Janella Salvador dahil sa maganda nitong interpretasyon sa kanta, na ayon pa sa kaniya ay bumagay talaga kay Janella.
#gallery-6 margin: auto; #gallery-6 .gallery-item float: left; margin-top: 10px; text-align: center; width: 50%; #gallery-6 img border: 2px solid #cfcfcf; #gallery-6 .gallery-caption margin-left: 0; /* see gallery_shortcode() in wp-includes/media.php */
Hindi din maiwasan na kulitin ni DJ Apple si Melchora kung sino ang inspirasyon niya sa pagsulat ng “Mahal Kita Pero” na ayon sa kaniya ay mas strict daw ang kaniyang mommy kaysa sa kaniyang Daddy. Ngunit ang lalo nagbigay sa kaniya ng inpirasyon sa pagsulat ng kanta at pagkanta ay ang mga OPM artist at ang mga kilalang kompositor na sina Junjie Marcelo at Jonathan Manalo.
Isa din sa mga pangarap ni Melchora ang magkaroon ng solo concert bilang ito din ang mga pangarap ng mga bagong OPM artist ngayon. Isa mga genre ni Melchora ay acoustic, kung saan mayroon siyang naisulat na kanta na “Call Center Lover,” tungkol ito mga call center na ang pangunahing oras ay ang oras sa kanilang minamanahal, isa sa hinalibawa niya ay ang kaniyang kaibigan na call center na nagkaroon ng kumplikadong sitwasyon sa kaniyang minamahal.
Ang kantang “Call Center Lover” ay kabilang sa kaniyang album na “Melchora”, kung saan kasama din ang iba pang sinulat niyang kanta.
Isa din sa mga ibinida ni Melchora ang kaniyang latest single niyang “I Love You So So So” , kung saan maari ng madownload ngayon sa Spotify.
Para sa updates, maaaring bisitahing ang kaniyang social media accounts:
Facebook: @melchorabobbiies
(written by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos, Dexter Magno)