Abang na abang ako sa grades ko kagabi pa lang. Since nagtetext na yung mapua sa magulang, tinanong ko na agad si papa kung nagtext sa kanya, wala pa daw. Di naman ako kinakabahan since positive akong all blue ako. Walang nagtext sa kanya buong gabi.
Habang kumakain kami ng agahan, sinabi ni papa sakin na nagtext na daw sa kanya yung mapua. Pagtingin ko, all blue nga pero may frustration pa din kasi talaga ako. Hindi mawawala ‘to hanggat di ko nakakamit yung goal ko. Gusto ko talaga makakuha ng academic scholarship, kahit half lang, mas maganda kung full pa. Malaking tulong yun sa parents ko pag nagkataon. Every term akong nagsosorry sa kanila kasi di ko pa din nakukuha pero sabi ni mama wag daw akong mapressure. Hindi naman daw ako obligado gawin yon basta wala lang daw dapat bagsak. Pero kahit na, I am still eager na makamit yung scholarship. Hindi ko aim na mag-all blue lang every term. Besides sa matuto, gusto ko all blue na nasa boundary ng scholarship.
Matataas grades ko ngayong term except sa Rizal. What the hell yung 2.75. Yun lang talaga yung nagpababa eh. Lakas ng hatak hayop di naman major. Dalawang quiz na bagsak at isang late na assignment lang naman problema ko the rest ok at matataas naman pero ganon na kababa? Pero salamat pa rin dahil di ko na makikita yung prof kong tamad dito.
Yung Physics ko bawing-bawi eh. From singko to 1.50. Nag-iba yung perspective ko sa ngayong term since retake ko tong subject na ‘to. Nung unang take ko tapos bagsak, di ako malungkot. Alam ko kasi well deserve ko yon. Pabaya ako, nagchicheat ako, tapos di talaga ko nakikinig at nag-aaral don. This term, nakikinig na ko. Naiintindihan ko yung mga lessons. Pasado ko sa lahat ng seatworks, quizzes tapos sa finals, matataas pa. No cheating. Nagugulat na lang ako sa results eh. Parang di kapani-paniwala na ako gumawa ng results na yon.
Hindi ko ineexpect grade ko sa Screenwriting eh HAHAHAH 1.75. Dalawang meeting lang ata ako pumasok ng on time don, the rest late na lagi ng isang oras tapos umaabsent din ako. Kay sir kasi late means absent. Natatakot nga ko kasi failure due to absences na ko tapos taas ng grade ko. Pero sabi naman ng higher batch, once na kumpleto ka sa mga pinagawa niya, ipapasa ka. Thankful lang din ako kay Aira at Cath kasi sila yung nagpiprint at nagpapasa ng script at activities ko kay sir kapag late at absent ako. Sinesend ko lang sa kanila tapos sila na bahala hahaha. Sobrang nasacrifice ko yung screenwriting para sa ibang subject, hindi ko talaga gusto malate o umabsent sa subject na ‘to. Basta pag MWF natatapat talaga na nagcacram ako eh kaya yun.
Hindi ko din expected na 1.75 ako sa Film History II. Hindi ako nagreport dito eh. Umabsent ako nung araw ng reporting kasi late akong nagising kakaaral nung report ko. Galit na galit sakin si ma’am nung araw na yon. Sinabi niya pa na hwag na daw ako magpakita sa klase. May group kami sa fb tapos required na ipost yung mga powerpoint ng reporters. Pinost ko yung akin tapos na may apology message ka ma’am. “Eto po yung report ko kahit di ko po naireport. Sorry ma’am.” Sabi niya samin pag walang report, tagilid na. Nabawi ko naman ng bongga sa midterms, finals at sa short film. Ang dami kong natutunan kay ma’am. Every meeting lumalawak perspective ko sa film at sa buhay. In a nutshell, kung may nais sabihin na alam mong significant at makakatulong, ipaalam mo at ipaglaban mo. Don’t take filmmaking for granted.
And 2.00 sa Humanities. Wala naman akong reklamo since deserve ko naman and alam ko may pagkukulang ako hahahaha hayop bakit ganito mga salitaan ko ngayon. Pinakana-enjoy ko tong subject na to kasi pogi yung katabi ko, chos hahahahahaha. Pero I admit, ang dami naming kaklase na gwapo sa subject na to tapos mga half-blooded pa sila. Perks of mapua for not applying block sectioning lol. Pero yun, masaya lang talaga kasi ang solid ng grupo namin dito sa hum. Mga engineering mga kagrupo namin pero sila mismo yung nagloolook forward pag yung activity is shoot. Nakakatuwa sila.
Overall, thankful pa din talaga ko lalo na sa parents ko. Lord, I honor you with this grades. I’ll do a lot better next term!