Mahirap ba talagang Espelengin ang mga B-A-B-A-E? 😏🙅😭😒😤😢😖😟😬😵😡😠😇😈👭👯👰👸🙋🙆🚺💥💣💢💨👊❓❓ By Mamay Jane In my own point of view bilang babae, isang malaking HINDI. SPELL babae? B-A-B-A-E, ganyan lang din kami kadali espelengin. Kailangan lang talagang intindihin/unawain/maintindihan. 👍 Sigurado lalake lang din ang nagpauso na mahirap espelengin ang mga babae pero ang totoo, hindi naman talaga. Marunong lang talaga magpakita ng iba ibang emosyon ang mga babae.✌ Okay, eto ang tips, kapag moody si bff, gf o si misis, 1st, alamin mo baka menstrual period nya. Nakakatawa pero totoo, sigurado ibang lalake alam na yan. Aba hindi kaya madali yung buwan-buwan ka nababawasan ng dugo sa katawan (para sa mga regular) kasi para kaming me sakit pag menstrual period namin kaya wag na kayong magtaka. Kahit nga menopause na, me ganun pa din na feeling. 😷 Kasi di ba ang mga me sakit, masama pakiramdam at moody, ganun din kami pag meron kami kaya madali kaming mairita/mainis/magalit sa mga panahon na yan kaya pagtiisan nyo na lang muna ang panahon na yan. Masanay na. Hindi lahat is "All about you." 😇 So given na yun. Another thing, kapag maganda ang mood nya kanina tapos maya-maya o ngayon biglang naging bad mood na sya, aba mag-isip ka na, me pinanggagalingan yan kaya umpisahan mo na magisip-isip. Umpisahan mo dun sa last minute na naging good mood sya hanggang sa naging bad mood sya. Maaaring me pinagselosan yan o ikinasama ng loob nya kaya maghanda ka na.👹 At eto pa, wag mo ng sasabayan, please lang kasi lalo pa yan magagalit. Ang gawin mo, antayin mo sya kumalma, wag mo ng sasabayan para di na lumala ang usapan. At pag alam mo na ang mali mo, umamin at mag-sorry ka na lang, wag mo ng i-justify pa kasi hindi ka mananalo kasi panigurado, me proof na yan na kasama at lalo lang hahaba ang usapan. 😜 Kaya pag sinunod mo yan, magiging smooth lahat, promise yan! Kasi ang babae, malambot yan at madali lang paamuhin, lambingin mo lang at palipasin ang galit nya, okay na yan uli. Wag mo na lang din masyadong didibdibin, lilipas din yan. Try mo gawin minsan para maniwala ka. Try mo din itanong sa kanila kung mag-agree sila. Depende na lang kung me pagka-war freak lang talaga yung babae, yung tipong araw-araw na lang naghahanap ng away, ibang usapan na yun. 😝 At kapag dumating sa time na confuse ka na naman, review-hin mo lang uli eto. 😛 Sana me natutunan ka, share mo na din sa iba para magka-idea din sila. 😂 #BossMommay #babae #ugalingbabae #mgababae #angbabae #girlsmood #usapangbabae














