Middle-life Crisis (nga ba?)
Bakit ba pakiramdam ko, sobrang go with the flow lang ako sa buhay ngayon. I mean, sobrang plain. Kumbaga sa drinks, walang flavor. Compare mo sa feelings, sobrang flat affect. Hindi naman sa di ako masaya sa ginagawa ko ngayon, sobrang achieved nga kasi eto talaga yung bagay na gusto ko, trabaho na may involved na mga bata bonus pa kasi may mga disorders pa. Sobrang in line sa field ko talaga (psychology major here). Pero alam mo yun, sobrang feeling ko may kulang. Hindi ako kuntento sa ganito lang. Ang dami kong gustong mangyari. Nababagalan ako sa proseso. Sobrang applied kasi ata sakin yung “make things happen” kaya ayokong naghihintay. Pag nakikita ko pa yung ibang kakilala ko, feeling ko sobrang dami na nilang achievements sa buhay, compared sakin na eto, still searching. Okay self, patience nga kasi di ba. Time to wait… (lol nakakatawa na part yun ng therapy na ginagawa ko pero di ko ma apply sa sarili ko). Gusto ko pang mag travel, magkaroon ng extra income, mag take na ng Masters, maging Doctor, magkaroon ng savings, makabili ng sasakyan, magkaroon ng sariling bahay, mag pakasal (what??), lahat. Parang gusto ko ma achieved na yun sooner or later. Kaso, it takes time. It will take me longer time. Sabi nga sa kasabihan, “marami ka pang kakaining bigas” oh well, papel.
Sana nga pwedeng mag fast forward sa buhay, noh? Or sana pwedeng makuha lahat yun in an instant. Pero minsan naisip ko din, kailangan ko lang siguro i enjoy muna ang buhay, yung meron ako ngayon. And just let things flow naturally. Serious mode. Super torn! Hay. Hirap talaga maging adult, mga vhe!










