What's inside a Behavioral Therapist's Mind
Siguro, sa mga taong di pa masyadong nakakaintindi or nakakaalam ng trabaho ng isang Behavioral Therapist, ang cool nito pakinggan. From the word itself eh, “behavior”, na siguro maa associate na kami agad na sobrang “pro” pagdating sa pagbabasa ng behavior ng tao. Na lahat halos ng kilos, galaw o gagawin alam na namin. Assuming, in short.
Well, honestly, pwedeng pwede naman kasi talaga ma apply sa normal na tao yung ginagawa namin (therapy to special kids). Na minsan, madalas rather, nagiging OA na nga yung pag iinterpret namin, kasi we have to be super observant, ano ba yung antecedent/cause ng behavior ng kid, or let’s just say mismong ako, as a therapist. Can’t help it! Sa everyday ba naman na trabaho, di na maiiwasan talaga. Na akala din siguro ng iba, dahil sa we do therapy, we can also apply it in ourselves, which is really hard, honestly. Cognitive biases nga sabi sa Psych.
Tinatry ko madalas na wag makaramdam ng mga bagay na di ko dapat maramdaman, especially nga I do therapy, flat affect lang dapat. Suppressed. Suppressed. Kaso ma trigger lang ng bigtime, boom! Sabog emosyon ko. Nandun ka rin sa point na mafifeel mong no one seem to bother to ask you what’s wrong, or if you’re still doing well, kasi nga they believe that you can manage, na you're a Behavioral Therapist. Kumbaga, therapy mo sarili mo. But still, at the end of the day, we’re also human, eh. We also need someone na makikinig sa mga shits namin in life, na maga address ng behavior (lungkot, drama, etc) namin pag kailangan. Na we also wanted to feel that we are also being taken care of. Ang ironic nga din siguro kung iisipin. Minsan, sinasabi ko na lang din sa sarili ko na “strong ka, natutulungan mo nga patients mo, what more yourself di ba?”, na kung tutuusin, may available naman na taong willing to listen pero ayaw mo kasi kahit ikaw sa sarili mo nadadaya mo, na kaya mo naman talagang i handle mag isa (ok so ang labo ko dito), pero at the back of your mind, babalik at babalik ka pa rin dun sa thought na may emotions ako, ano ba. Oh well, gamit na gamit talaga samin yung lines na “sometimes, you have to be your own hero”. Bottomline lang siguro, ang kumplikado ng buhay ko. Char!