Birthday, cheat day!
Birthday ngayon ng isa sa mga close friends ko. Nilibre ko sya sa T.G.I. Fridays for lunch, then nagcoffee kame sa Costa.
Hinintay namin yong isa naming close friend kase may work kaya naglakad-lakad kame sa shopping centre.
Then nong nameet na namin yong isa naming friend nagdinner kame sa Korean restaurant, Bibimbap. Nabusog kame sobra.
Nagtry ako ng peach flavoured soju, grabe ang sarap kaso mahal nga lang yong isang shot. Natry ko na yong original dati sa pinas kaso di ko nagustuhan. Nasayang lang at di nainom.
Then kumain kame ng dessert sa isang cafe. Nag ice cream kame at cake then tea.
After non nagyaya pang mag milk tea yong isa pero sabi ko di ko na kaya. Feeling ko 6000 calories na nandito sa katawan ko (OA lang!)
Ayun busog na busog na busog talaga kame ngayong araw na to. Feeling ko naggain ako ng 10kg agad.
Enjoy sobra. Dameng catch up at tawanan lalo na yong isang bulol at kong anu-ano sinasabi 😂
At late na ako nakauwi.









