nung dumating ka, hindi ako handa. ikaw ang nagsabi na "itry naten, kung magwork, e di okay. kung hindi, e di itigil." sinubukan kong pigilan maniwala ka dahil akalo ko kagaya ka din ni "tropa" pero naging consistent ka, araw araw na pagmessage, nagvivideocall ka pa nga bago ka pumasok sa trabaho, pupuntahan mo ako sa trabaho ko ng ala una ng umaga para makita lang ako kahit na ang pasok mo kinabukasan e 6 ng umaga. sinasabe ko wag na at mapupuyat ka lang pero sinasabe mo "okay lang, basta makita at makasama lang kita." ilang buwan ang lumipas mas napapadalas ang pagkikita naten, dalawa, tatlong beses sa isang linggo kita nakakasama. naalala mo pa ba nung nagluto ka ng adobo? sarap na sarap mga katrabaho ko. tuwang tuwa ka naman. di ko makakalimutan yung araw na pinaupo mo ako sa tabi mo sabay hawak sa kamay ko. tumatayo ako pero pinipigilan mo ako kc gsto mo katabi mo lang ako. sa loob loob ko tuwang tuwa ako, naisip ko ito na ba yun? ikaw na ba? lahat ng bisyo mo, nakaraan mo tinanggap ko. pero dumating ang araw na bigla ka na lang nawala. nanlamig sa chat hanggang sa tuluyan ng lumayo. hindi ko alam kung ano nangyare. di ko alam ano ginawa ko. closure. yun ang hinahanap ko noon. yun ang gsto ko. pero sa paglipas ng araw, nararamdaman ko na masaya ka na. masaya sa iba. siguro hindi ko na kailangan pa malaman ano rason bakit ka biglang nawala. pero gusto ko malaman mo na masaya ako na nakasama kita. ingat ka palagi. #misterbigotilyo #missingyourkilikili












