12/20/12 "9th Monthsary" ♥♥♥
Di ko masasabi na naging perfect tong araw na to kasi before I went to his house medyo nainis ako sakanya. May pain at anger pa rin sa puso ko. Pero naging okay din naman kasi nangibabaw pagmamahal ko sakanya. Haha. So as usual naglaro siya ng ps3 habang ako nasa baba nanonood. Di pa din ako kumportable umakyat eh. Pero napilit din niya ako kasi gusto daw niyang humiga kami kasi tapos na siya maglaro. Isasara nalang daw niya yung room ng parents niya para di ko na maalala. Sus. If I know nakapasok na rin sila sa room niya. So anyway nagkwentuhan lang kami nang kung anu ano then siyempre di naman mawawala yung pag cuddle and stuff like that. Ang weird nga eh. Nakikiliti na siya ngayon. Hahaha! Siyempre sinulit ko na para maramdaman niya pano niya ako kinikiliti ng walang awa. Haha. Super fragile ng bed niya kaya bawal masyadong malikot. At dapat ang paghiga mo pantay ang weight. Bawal ko itaas paa ko. Dapat diretsong higa lang. Haha.
Pumunta kami ng bahay nung feel namin pauwi na mga tao sa bahay nila. Bumili kami ng burger sa tropical tapos kami na nagluto sa bahay at FIRST TIME na siya ang nagluto ng kakainin namin! Haha! Nakakapanibago na tinutulungan niya ako maghanda. Napansin ko na parang extra sweet siya sa akin ngayon. Bigla nalang ibubulong sakin na mahal na mahal niya ako tapos pag aalis ako sa tabi niya saglit hihilain niya ako pabalik para i-hug at i-kiss muna. Haha. Anong nangyayari? Senyales ba na magugunaw na talaga ang mundo? Hahaha! Ang kulit pa niya. Tanung nang tanong kung ano daw ba mas nagustuhan ko sa dalawa... Ang awkward! Pilit siya ng pilit eh, nakakainis. Di ako makapili dahil pareho ko nagustuhan. Hahaha! Sa 11 months na ginagawa namin yun, ito yung pinaka gusto ko sa lahat. Di ko alam ano meron. Napapangiti lang ako after. Dun ko lang talaga nafeel yung pagiging totoong satisfied ko sakanya. Hahaha. Naglaro rin kami ng scrabble. Medyo na boboringan ako sa game na yun pero okay na rin dahil siya naman kalaro ko. Haha. Enjoy na enjoy siya eh. Nag eenjoy din ako kasi natatalo ko siya. Lalamangan niya ako tapos makakahabol ako. Haha. 2-0 na ang score in favor of me. Race to 5 daw eh. Dahil 12am na rin at di pa gumugunaw mundo, umuwi na siya. Babawi nalang daw siya mamaya sa 2nd part ng 9th monthsary celebration namin. Hahaha! Di niya matanggap eh. Bago siya lumabas ng gate, sabi ko sakanya...
"If ever mag end of the world na talaga habang pauwi ka tandaan mo na mahal na mahal kita ah."
"Mahal na mahal din kita. Ikaw lang. IKAW NA LANG."
:""> Sana totoong totoo na to. Wala kaming pictures today. Ewan ko bakit di ko naisipan magpicture kami. Ang ininstgram ko lang yung kinain namin. Haha.
I ended this day with a smile on my face and hoping that everything will turn out well as planned when we meet later. Gusto niya magkita kami maaga pero kailangan ko na talaga mag Christmas shopping eh. Haha. Ngayon nalang kasi chance ko eh. :-\ Pero pinromise ko na bibilisan ko para magkita kami agad and sasamahan ko rin siya mag window shopping sa SM mamaya so quits lang. Hehe.
I LOVE YOU SO MUCH HEART! :* >:D<