tambay ako sa faculty. dumating ka. derecho ka ng CR tapos paglabas mo ay may dala kang isang timbang tubig. sabi mo magdidilig ka ng halaman. sinabi ko sayo na bakit kailangan ikaw pa, ang dami namang lalaki. nahiya ako sayo kaya tinulungan kita. after ilang months yun na lang ang pagkakataon na nakpag bonding tayo. habang nagdidilig ka ng halaman ay pakiramdam ko ay nadidiligan din ako ng kilig. tagal din kasing tuyo ang tigang kong damdamin na uhaw na uhaw sa atensyon mo. kaso, ayun, medyo awkward pa rin.















