Deadma Walking Julius Alfonso
Ang dami ko na ring nabasang mga kuda tungkol dito sa Deadma Walking, na nakakatawa nga raw tapos nakakaiyak eme. Pinanuod ko yung trailer, at tungkol nga to sa pagkakaibigan. Pucha. Hahaha. Kaya niyaya namin mga friends namin para sama samang magtawanan. At ayun! Pucha! Ang dami naming tawa besh! HAHAHAH!
Napanuod ko si Joross sa I Love You Thank You sobrang elibs ako sakanya dun kasi ang galing niyang maging bakla. Haha. Tapos si EA hindi ko pa yata siya napapanuod na bakla ang role sa movie, pero alam kong magaling siya. Shet. Hindi ako binigo. Hahaha! Kung hindi ko sila kilala, iisipin ko talagang totoong mga bakla ‘tong mga 'to.
Nasa trailer naman na ang mga dapat mong malaman tungkol sa plot. Haha. May sakit si Joross, nagset-up ng pekeng lamay at laughtrip ang linayahan. Pero besh, hindi naman namin inexpect na nakakaiyak din pala 'to. Haha. Actually, hindi ako naiyak dahil sa friendship nila. Naiyak ako sa eksena ni Dimples saka ni Joross. Ang galing dun ni Dimples ha. Huhu. Ewan ko. Pero ang dami kong iyak dun. Pucha. Solid ng eksena na yon besh! Hindi ko kinaya. Pag tingin ko sa mga katabi ko saka sa likod ko, nagiiyakan na rin mga kaibigan namin. HAHAHAHAHA! Sabay magtuturuan, hala! Umiiyak siya!! HAHAHAHHA!
Gusto ko rin yung mga pamusical eme nila. Crying Divas! HAHAHAHA! Wala lang, nagenjoy din ako dun. Infairness. Saka yung scoring. Ukininam! HAHAHA! Saka yung PD nila, grabe. Yung PD sa kasal kay kamatayan! Pucha!!! Solid!! Saka alam mo yung, hindi pilit yung mga punch lines. Hahahahaha. Tangina talaga. Yung nagmemessage mga tao sa lamay ni Joross. Pucha. SOBRANG TAWANG TAWA AKO KAY SUE OKAY. Hindi ko alam. Pero ang ganda ng pagkakadeliver. Basta lahat pucha! Sobrang laughtrip!!!
Sobrang solid din nung screenplay besh. Lalo na dun sa part na pinaplano nila kung paano ang magiging ganap sa lamay. Grabe yon! Sobrang solid non!!! Tapos ang dami daming nagcameo!!!! Ang ganda nung French Film ni Eugene Domingo don!!! Yung Sauna moment ni Joross at EA. Yung ang daming kuda ni EA tapos biglang….. tangina! Galing!
Actually hanggang ngayon, tawang tawa pa rin ako habang naaalala ko yung mga eksena. HAhahaha. Yung natatapakan buhok ni EA. Yung pinakilala ni EA si Vin kay Joross tapos iba yung ishashake hands ni Joross. HAHAHAHA. Pucha. Pero wala pa rin talagang tatalo sa kuda ni Sue sa lamay! HAHAHHAHA! Kingina non!
Although nanghula ako kung sinong unang mamamatay, okay lang. Hahaha! Kasi ang ganda pa rin talaga eh. Walang wala yung Siargao. Hahaha. Sorry ah. Pero mas naenjoy ko tong film na 'to. Saktong bigat lang. Saka nakakainspire kasi yung friendship nila. Sobrang solido!
Basta. Ang galing galing ni EA at Joross dito!
“You can’t talk. Don’t talk. You can never talk.” -EA “2017 na. Uso na ang hashtag move on! Try mo kayang makiuso.” - EA
Naglilinger sakin yung boses ni EA habang tinatype ko yan! HAHAHAHHA! Pucha talaga. Yung mga wasak moments ni EA. Grabe rin. Hahahah! Bat ganun, nakakatawa pa rin kahit wasak siya. Hahahaha. BASTA PUCHA.
ANG GANDA GANDA NG DEADMA WALKING.
Favorite film ko 'to ngayong MMFF! HAHAHAHAHA!
Hanggang sa susunod ng MMFF!
PADAYON!







