Bibili ako sa Mercury Drug ng moisturizer ko. Tinanong ko sa staff nila kung saan ba ang MyraE moisturizer. Nung nakita ko na MyraE, agad agad ko kinuha 'to at binayaran na. Unang apply ko nito, medyo na-weirduhan ako dahil ang lagkit. Hindi siya ung normal na moisturizer na smooth kapag nilalagay sa mukha. Akala ko naman bagong labas ng MyraE. Nakalipas ang dalawang araw ng pag-apply ko nito sa mukha, at napansin ko sa mukha ko nagdry tapos ang hapdi ng gilid ng ilong ko, ung nagbabalat sa gilid. Napaka-kati pa naman!!! Hanggang sa ilang araw na nakalipas at ngayong gabi, hindi ko na kinaya ang kati na niya at ang dry na ng ilong ko tapos ilalim ng eyes ko. Kapag nagsasabon ako napakahapdi. At binalikan ko ulit ung MyraE na binili ko baka naman kasi dun ung may problema. Ayun!!! Tanga!!! Nabasa ko na kung ano ba talaga ang nabili ko. Facial Wash and MOISTURE plus!!! Ginawa kong moisturizer ang facial wash. Bow. #MyraE #moisturizerph









