Things to do when you're brokenHearted
Ganun talaga ang buhay, minsan masaya at darating ang point na malungkot kasi iniwan ka, brokenhearted ka.
Base on my experience, marami kang pwedeng gawin aside sa pagmomokmok mo sa room, hindi nalabas kasama ang friends, nahiga, nag-eemote, ayaw kumain, hirap matulog, nag-iisip ng kong ano-ano, itapon ang mga gamit, sunogin ang mga pictures, edelete lahat ng files sa PC/Laptop/mobile/camera at marami pang iba.. Nako naman boys/girls wag ganun.. Huwag na wag mo sisiraian ang sarili mo dahil lang sa mga di magandang nangyari kasi na iniwan ka, sinaktan at niloko ka.
Here are some ideas na Maaring pwede mong gawin kong Brokenhearted ka, base on my experience;
Kong manunood ka ng Movies, Wag na wag kang manuod ng LOVE STORY / SAD MOVIES like "One More Chance". Hindi naman sa sinasabi kong ayaw ko ang One More chance pero Hindi talaga sya nakakatulong para maging OK ka, Kasi it's one way na or give you an idea na aasa ka pa na maging OK ang relationship nyo ng BF/GF mo which is hindi na man pala lalo ka lng masasaktan..
Better you watch ACTION, COMEDY at lalong lalo na ang HORROR MOVIES - it is one way na madadivert mo ang iniisip mo, imagination mo at emotion mo. Instead na nag-iisip ka lalo sa BF/GF mo na maging OK kayo at umaasa ka, it will leads you to relax yourself from any stress. Sa ACTION MOVIES - maiinis ka sa kontrabida bakit nya ginawa yon sa Bida, COMEDY MOVIES - natatawa ka sa mga kalokohan ng mga Bida at kontrabida at HORROR MOVIES - Natatakot ka na may biglang lumabas na multo, biglang may pumatay sa anak ng bida, may biglang sinaniban at ang hanggang sa pagtulog mo naiisip mo baka biglang tumabi sayo ang mga multo na nasa movies.. hahahaha.. OH Dba di mo maiisip ang mga SAD Moments mo sa Ex BF/GF mo.. Na divert mga iniisip mo.
Give yourself a time to relax, spend time with your family and friends. Gumala ka sa mga lugar na gusto mong puntahan. Try mong sumakay sa mga rides na mga kinakakatukatan mo like sa pinakamabilis na roller coaster sa buong mundo (Formula Rosa & GForce sa Ferrari World), Bungee Jumping & Sky Diving, magsisigaw ka ng magsigaw para ma Erelease mo ang mga negative energy sa katawan mo. hahahah. TRy mo.. Gandang ng feeling makasigaw ng sigaw.. Lahat ng gusto mong sabihin elabas mo..
Go to Parlor/Salon - pa facial ka, footspa at higit sa Lahat new haircut/hair color para new look.. Kailangan mong maging maganda sa mata ng mga tao na nakapaligid sayo.
Huwag Huwag mong etapon yong mga bagay na binibigay ng GF/BF mo like Stuff Toys, Damit, relo at kong ano ano pang mga gamit, better epamigay mo sa mga nangangailangan like sa orphanage o street children kasi napapakinabangan nila yun at makikita mo pa sa kanila na tuwang tuwa sila na makakatanggap ng mga bagay na kailan man hindi nila mabibili. Nakakataba ng PUSO na Nakakatulong ka at nakapagbigay ka ng magandang ngiti sa mga bata.
Tumutulong ka sa mga gawaing bahay, Try Mong magpractice matutong magluto, magbake at kong marami pang pwedeng gawin sa bahay.
Mag Volunteer ka sa isang Organization na tumulong sa ibang tao like feeding program at kong ano-ano pa...
Humarap ka sa salamin O kaya pumunta ka sa Starbucks magkape O sa tabing dagat, Give yourself a time to evaluate for all the things you've done in your life. Sa mga good/bad things na nagawa mo para sa sarili mo O para sa mga taong nakapaligid sayo. Kong maganda ba ang resulta O Hindi, Kong nakakatulong O Hindi... Kailangan bang may baguhin O wala para na din sa ekabubuti at ekaganda ng Buhay mo at maging handa ka sa mga darating na araw..
Don't forget to go to church especially with your family & friends, have some confession for all the bad things you've done in your entire life.
Before you sleep, Pray the ROSARY
Keep your FAITH to GOD always
SMILE ka lang lage, kasi lahat ng mga nangyayari sa mga buhay buhay natin e may rason. Huwag ka masyado padala sa emotion mo kasi bukas at sa mga darating pang bukas, maraming darating na magagandang moments.