“Diko alam, basta isang araw paggising ko ayoko na.”
—neverminahal
seen from United States
seen from United States
seen from Philippines

seen from United Kingdom
seen from China
seen from United States

seen from Germany
seen from United States

seen from United States
seen from China
seen from Ukraine
seen from Germany
seen from Ukraine
seen from United States
seen from China

seen from Canada
seen from United States
seen from China
seen from United Kingdom

seen from Canada
“Diko alam, basta isang araw paggising ko ayoko na.”
—neverminahal
Eight Years Ago. Nine Days.
Suppose to post this last December 15, 2016.
So, that happened eight years ago.
I was 4th years high school that time. Innocent and still playful. And him, my classmate.
October of the year 2008, before we had sembreak. He gave me an invitation to his church. “Ah, Christian din pala sya” on my thoughts. During sembreak, Friendster pa ang uso, someone messaged me. “Hi, nag ka boyfriend ka na?Pwede ka ba magkaboyfriend?”, with my reply of “Oo, nag kaboyfriend ako, pero bawal ako magboyfrien. Bakit?”, then he answered, “Ahh wala lang, bawal ka pala magka boyfriend. Tsaka na lang pag ready ka na.”
It all started in an invitation and a friendster message. Then, exchanged conversation thru text. I fell inlove with him easily. We talked randomly in text but im intractable on the class, especially with him.
He courted me. As I wished before he can get my sweet “YES”, he have to do three things. One, “mabigyan nya ko ng chocolates, as he promised over the phone”. Gusto ko kasi pag nangako ka, tuparin mo. Two, “mahatid o masundo nya ko”. Curious ako sa ganung feeling, yung hinahatid ka or sinusundo. Three, “masabihan nya ko ng I LOVE YOU sa harapan ko”, di yung puro text lang malakas loob. It all happened in one day, 3rd Saturday of November. Hinatid nya ko sa appointment ko sa Walter Mart, while waitin, binilhan nya ko ng Goya chocolate with matching C2 and Nova at sinabihan nya ko ng I LOVE YOU. Sabi ko, “Oh, nagawa mo na lahat. Antayin mo na lang sa December 6 kung ano magiging sagot ko.” That time, sure na ko sasagutin ko sya, pero nung kinausap ako ng mentor ko, sabi nya wag ko daw sya sagutin, so naguluhan ako. Sinabi ko din sa kanya yung sinabi ng mentor ko sakin kaya nalungkot sya.
Dumating ang December 6, 2008, Saturday, MTAP Class. I wrote a 5 pages letter for him. Binasa nya ‘to. At the end of my letter “Sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry pero sinasagot na kita”. Ngumiti na sya. Yes, Kami na nga.
Chill relationship. No touch. No kiss. No hug. Not even akbay. I felt respected on that way. Pwede naman pala magmahal ng di ka hinahawakan.
*Short throw throw back to my first boyfriend but i didn’t consider as my boyfriend. Why? Sinagot ko sya ng biro lang at wala kaming closure. So i consider my ex-classmate-boyfriend as my first boyfriend. End of throw back.*
December 12, 2008, Friday. My allergies attacked me. I have to go home. My dad picked me up so I can rest. By 5pm, tumawag ako sa kanya, sabi ko, “may quiz ba?” (Panghapon kasi kami. Public school) Sabi nya “Wala. Pagaling ka”. blah blah. End call.
Kinabukasan, December 13, 2008, MTAP namin. Pumasok ako, sya absent. Tinatawagan ko sya, di nya sinasagot. After class i saw a text from him, “Di ako pumasok, nagdedesign kami ng church”. Secretly, dumaan kami ng mga friends ko sa church nila which is walking distance from our school. Tama nga, nagdedecorate nga sila ng church. So kaming magkakaibigan, pumunta kami sa Pandayan bookshop. Naghahanap ako ng panregalo sa kanya. I saw with “Read my lips” on a cover and when you open it “I Love You”. I purchased that card.
December 14, 2008, Sunday. Tumawag sya, sabi nya, “May sasabihin akong importante sayo bukas” Sabi ko naman, “Bat di pa ngayon dito sa phone?” End call. May Nabasa pa ko sa friendster bulletin board na “Sorry pero kaylangan kong gawin to”
December 15, 2008, Monday. Wala kaming imikan. Parang nagiba lahat. Nung panahon na nanliligaw sya hanggang nung kami na lagi syang tumatabi sakin lalo na sa isang subject (every subject nagpapalitan ng upuan, depende sa trip ng teacher). Bakit ngayon ang layo nya? Nakaramdam na ko ng kakaiba. Rambam ko na makikipagbreak sya. Ramdam ko na iniiwasan nya ko. Ramdam ko. Nalapitan ko sya ng mga bandang hapon sabi ko, “ano ba sasabihin mo?”. Lumingon sya sakin at sa mga kaybigan nya na nakapalibot din sa kanya at sinabi “Mamaya na, hahatid nalang kita.” tumango lang ako at umalis sa harap nya. Kinausap ko mga kaybigan ko at sinabi ang nararamdaman ko. Sabi nila “Wag ka papayag makipagbreak”. May mga linya na kaming pinagusapan na di nga ko makikipagbreak. OK na. Set na ko. Handa na ko. Uwian na. Bigla syang nawala. Sabi ng kaybigan namin na kaklase din namin, umihi lang. Tinanong nya ko “Tingin mo, ano sasabihin nya sayo?” Mabilis kong sagot “Makikipagbreak sya sakin.” At sumagot ulit sya na “Think positive.” Sa sinabi nyang yun, nawala pangamba ko. baka nga ako lang nagiisip na makikipagbreak sya. Baka di naman yun talaga ang sasabihin nya. Kaya gumaan ang pakiramdam ko na nagpapabigat simula pa nung kahapon. Nakita ko na sya. Sabay sabay kaming naglalakad kasama pati ang iba kong kaybigan na nasa ibang section. Habang naglalakad, Medyo malayo layo na din sa school, tahimik sya. Marami ring mga estudyante ang naglalakad. Tinanong ko sya, “Ano ba talaga sasabihin mo?” sabi nya “Nalaman na ng pastor namin ang tungkol satin” Bigla akong nanlamig. “So makikipag break ka na?” pagmamatapang kong tanong sa kanya. Sabi nya “Oo”. Sabi ko “Ah. Ok.” naglalakad pa kami tahimik lang. Walang may gustong magsalita. Sumenyas ako sa mga kaybigan ko na parang gunting, sumisumbolo na hiwalay na kami. Lakad lakad. Hangang sa nahiwalay na ko sa iba kong kaybigan dahil magkaiba kami ng daan pauwi. Tatlo na lang kaming naglalakad. Ako, sya at at bespren ko. May nangangaroling sa isang bahay. Sabi nya, “Di ba 15 pa lang ngayon, bakit may nangangaroling na?” “Ewan ko” sabi ko. Dun ko nalaman na tuwing 16 ang Caroling at simbang gabi. Pero mas matindi, sa bibig nya mismo nangaling ang petsa kung kelan kami nagbreak. Sabi ko, “dito na kami ng bespren ko, dyan ka na dumaan para makauwi ka na agad.” Naghiwalay na kami ng landas tulad ng paghihiwalay namin. Sa pagtawid ko papunta sa bespren ko. Dun nagsimula ang mga luhang di ko inaasahan. Luha at hagulgol na tuloy tuloy lumalabas sa mata ko. Yung bespren ko na may kausap sa telepono, ang kanyang jowa, napatay nya tuloy ang telepono dahil gusto nya ko icomfort.
Sinagot ko sya sa sulat at tinapos ko din ang lahat sa sulat. Kinabukasan, December 16, 2008. Late ako nakapasok. Pagdating ko sa room, di ako umiiyak, pero sa daming nagtatanong kung anong nangyari, umiyak ako. Papalapit na sana sya sakin, biglang may tumawag sa pinto sakin. Nung recess na, binigyan ko sya ng letter. Yung binili ko sa Pandayan Bookshop na letter, binigay ko pa din sa kanya. pero may puso na drawing at band-aid .
Ngayon, December 2016. Naka move on na ko. Syempre naman! It was 8 years ago. I’m happy with his life. I know he’ll be ok. He is a strong man. Ayaw nya nga ng kinakaawaan sya. Wala na rin akong update sa kanya, pero friends kami sa Facebook. Well, after 4 months nung nagbreak kami, April 2009, inamin nya yung real reason ng break up namin, mahal nya ko pero mas may mahal syang iba. Honestly, di ako nagalit sa kanya nung nalaman ko yung totoong rason. Naka move on na ko nung time na yun eh. Narealize ko na, bilib ako sa taong katulad nya. Ang honest eh. Ang sakit ng ginawa nya pero ang tapang para ipaglaban yung totoo nyang mahal. Kesa lokohin nya ko pero di nya naman pala ko mahal, di ba? At di naging sila ng taong pinaglaban nya, sadly. Pero ganun talaga ang buhay.
I was hurt. I moved on. 8 years ago. Our relationship last in 9 days ONLY. but the feeling is surreal-weird! Nagmahal. Nasaktan. Nag move on. Natuto. Mas proud ako sa sarili ko.