Artikulo Singko: "Husgang Nakakababa"
At dahil ‘neutral’ akong manunulat. Hindi lang ang nasa itaas ang papansinin ko pati sa baba.
Husgang nakakababa para sa'kin sila ang mas grabe humusga. Kahit walang panghahawakan na kahit ano na angat sila, huhusga sila.
Halimbawa ba kamo? Huwag na na'tin ilayo. Sa departatora ng manunulat. Marami ang naging manunulat ngayon simula nung 2013 dahil sa isang 'website’ na ginawang 'mobile app.’ ang 'Wattpad’. Nakakatuwa lang na dumami ang naging manunulat. Marami na din ang nagawang libro galing doon kung mapapansin na'tin ay puro romantiko ang tema. Hindi na ako nagtaka kung bakit maraming Pilipino ang nagsabi na “Puro kalandian lang iyan.”, “Walang matututunan ang kabataan diyan.”, “Tataas na naman ang 'standard’ ng mga babae sa lalaki.”, “Marami na namang mabubuntis.”, atbp. Aminin mo, nakabasa o nakarinig ka na ng ganyan. Samantalang ang gawa nina John Green ay pawang romantiko din naman pero tinatangkilik ng maraming Pilipino.
Masakit man aminin pero ang mga taong nasa baba ay siyang hihila din sa'yo paibaba. Na sarili mong kapwa manunulat ay sisiraan ka pa. Kaya walang manunulat na umaangat eh.. Nakakapaghinayang ang mga manunulat na may likas na talento.
Ganoon kalakas manghila ang mga nasa baba. Ganoon ang HUSGANG NAKAKABABA.






