Dito sa mundong mapang-husga.
Magpakatotoo ka Lang sa sarili mo. Hindi sila importante.
seen from United States
seen from Türkiye

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from China

seen from China

seen from United States

seen from Türkiye

seen from Germany

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Russia

seen from Romania
Dito sa mundong mapang-husga.
Magpakatotoo ka Lang sa sarili mo. Hindi sila importante.
Artikulo Diyes: Husgang Sarili (Ang Huling Artikulo)
Ang huling husgang makamundo at may kasama pangdagdag na alam ko na hindi lahat ng tao ay sasang ayon akin.
Husgang Sarili. Sarili mo. Hindi sarili niya. Sarili mo. Ikaw ito. Ikaw at hindi ibang tao.
Kakahusga mo sa ibang tao. Nahusgahan mo na ba ang sarili mo? Malamang oo pero malamang na hindi din.
“Bulag sa sarili. Mulat ang mata sa iba.” na kung naiintindihan mo ay hindi ko na kailangan ipaliwanag pero kung hindi mo maintindihan, ipapaliwanag ko. Tayong mga tao, ang galing galing na'tin humusga ng iba pero tatanungin kita hinusgahan mo na ba ang sarili mo? Baka nga mas may katahingian nga ang taong hinuhusgahan mo kumpara sa'yo na magaling lang humusga kasi ayaw maangatan ng iba.
Baka nga sila may nagawa na sa mundo. Ikaw? Ano ang naitulong mo na sa mundo? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo, “May nagawa na ba akong mabuti sa mundo?”.
Pero dahil ‘neutral’ akong manunulat.
Alam ko na may mga tao din naman na mahilig husgahan ang sarili nila.
Kaibigan, huwag mong husgahan lagi ang sarili mo lalo na kung negatibo kasi may mga bagay na biglang papasok sa isip mo upang kitilin ang buhay mo. Huwag ganoon. Bakit hindi mo subukan husgahan ang sarili mo pero gagamitin mo iyong para mas maging mabuting tao. Hindi naman minsan masama ang humusga sa sarili pero gamitin mo sa tama. Hindi iyong hinuhusgahan mo na sarili mo tapos huhusga ka din ng iba para ibaba din sila.
Artikulo Sais: Husgang Kasintahan
Nagkaroon ka na ba ng kasintahan? Mayroon ka bang kasintahan? Baka maka-‘relate’ ka.
Karamihan sa tao ay may madilim na nakaraan. May mga kalalakihang kumapit sa patalim para mapag-aral. May mga kababaihang naibigay ang sarili sa unang pagkakataon sa lalaking sobrang minahal nila. Kanya kanyang madilim na nakaraan. Hindi kita kilala. Ikaw ang mas nakakaalam ng nakaraan mo. Subukan mong alalahanin ang madilim mong nakaraan habang binabasa ‘to.
Nakakatakot umamin ng madilim na nakaraan sa kasintahan, tama? Hindi mo alam kung tatanggapin ka o hindi. Kung tatanggapin ka man niya, tulad pa ba kayo ng dati? Minsan kailangan mong aminin ang madilim mong nakaraan sa kasintahan mo para wala kang kinikimkim na sekreto. Hindi mo kailangan itago ang sekreto mo. Nakakahinga ka ng matiwasay kapag kasama mo siya. Pero ang tanong nga kasi, tulad pa ba kayo ng dati? Pero doon mo din malalaman kung mahal ka ba niya talaga.
Kasintahan ang dapat sumuporta sa'yo sa oras ng kahinaan mo. Hindi iyong siya pa ang huhusga sa'yo.
Artikulo Singko: "Husgang Nakakababa"
At dahil ‘neutral’ akong manunulat. Hindi lang ang nasa itaas ang papansinin ko pati sa baba.
Husgang nakakababa para sa'kin sila ang mas grabe humusga. Kahit walang panghahawakan na kahit ano na angat sila, huhusga sila.
Halimbawa ba kamo? Huwag na na'tin ilayo. Sa departatora ng manunulat. Marami ang naging manunulat ngayon simula nung 2013 dahil sa isang 'website’ na ginawang 'mobile app.’ ang 'Wattpad’. Nakakatuwa lang na dumami ang naging manunulat. Marami na din ang nagawang libro galing doon kung mapapansin na'tin ay puro romantiko ang tema. Hindi na ako nagtaka kung bakit maraming Pilipino ang nagsabi na “Puro kalandian lang iyan.”, “Walang matututunan ang kabataan diyan.”, “Tataas na naman ang 'standard’ ng mga babae sa lalaki.”, “Marami na namang mabubuntis.”, atbp. Aminin mo, nakabasa o nakarinig ka na ng ganyan. Samantalang ang gawa nina John Green ay pawang romantiko din naman pero tinatangkilik ng maraming Pilipino.
Masakit man aminin pero ang mga taong nasa baba ay siyang hihila din sa'yo paibaba. Na sarili mong kapwa manunulat ay sisiraan ka pa. Kaya walang manunulat na umaangat eh.. Nakakapaghinayang ang mga manunulat na may likas na talento.
Ganoon kalakas manghila ang mga nasa baba. Ganoon ang HUSGANG NAKAKABABA.
Artikulo Kwatro: "Husgang Nakakataas"
Panibagong yugto ng panghuhusga na naman ang mababasa mo. Handa ka na ba? Kung oo, ituloy ang pagbasa.
Marahil ay maganda o gwapo ka. Maaaring mayaman o may kaya sa buhay. Pwede ding matalino, may magandang trabaho, nabibili ang gusto, maganda ang damit, nakakakain sa mamahaling kainan, nakakapag aral, at kung anu-ano pa.
Ano ang pakiramdam ng angat ka? Iyong bang mas maganda ka kumpara sa iba, mas matalino ka kumpara sa iba, mas may pera kumpara sa iba, kumbaga mas mataas ka kumpara sa iba. Anong pakiramdam nun?
Marahil ay natutuwa ka. Huwag kang sinungaling sa sarili mo. Natutuwa ka na ganoon. Na mas angat ka, na may mas mababa sa'yo.
Ganoon ang tao. Nakakaangat lang akala mo na kung sino. Ang hindi mo alam may mas angat pa sa'yo.
Halimbawa sa trabaho, isa kang manager. Mas angat ka kasi may kakayahan kang kontrolin ang mas mababa sa'yo pero may CEO sa inyo kaya huwag kang magmataas. Minsan pinapahiya mo pa sa harap ng ibang tao ang isang trabahador, may masabi lang na mas EDUKADO ka dahil mataas ang posisyon mo pero ang hindi mo alam ikaw ang napapahiya. Bakit? Ikaw ang mas angat at edukado pero ikaw ang hindi marunong magpasensya. Kaya kung gawain mo iyan, ipagpatuloy mo pa pero kung edukado ka talaga dapat maisip mong mali ka.
Dahil ang tao magaling manghusga lalo na kung nakakataas sa iba.
Artikulo Tres: "Husgang Tao"
Panigurado ginagawa ng lahat ‘to.
May makita ka lang na naka-lipstick, nasa isip mo malandi agad. May makita ka lang na mas maganda o pogi sayo, nasa isip mo maporma lang. May makita ka lang na babae na puro lalaki kasama, pokpok agad. May makita ka lang na puro babae kasama nung lalaki, bakla agad. Naninigarilyo lang, mabisyo na. Natatawa lang na mag isa, baliw agad. Nagmura lang, masamang tao na. Panget lang, stalker na. Mahaba lang buhok at laging naka-palda, mangkukulam agad. Matapang lang, pala-away na.
Ganyan tayo manghusga? Sa ayaw o sa gusto natin, dumarating sa punto iyon. Huhusga ka ng iba at may huhusga sayo.
Alam mo ba kung bakit minsan gusto nating manghusga? Kasi feeling natin mas angat tayo sa iba. Gusto natin dapat mataas tayo, na walang makakapantay natin.
Minsan tignan mo sarili mo. Obserbahan mo. At mare-'realize’ mo sa sarili mo na isa ka ding “Mapang-HUSGANG TAO.”
Artikulo Dos: "Husgang Kaibigan"
May kaibigan ka ba? Kung meron, baka naranasan mo na 'to o baka naman nararanasan mo. Napapaisip ako lagi. Bawat pakikipag usap ko sa mga kaibigan ko. Nag uusap usap kami about sa ibang tao. Hindi ako madalas magsalita. Nakikinig lang ako. Tungkol saan ang pinag uusapan namin? Maraming bagay, sa mga tao, sa politika, sa pag-ibig, 'anime', relihiyon, at kung anu-ano pa. Madalas kaming magdebate ng kung anu-ano. May isa akong kaibigan na pakiramdam ko ay hindi ako gusto. Sabi nung isa naming kaibigan, na-offend ko siya nung na-libre ko. Hindi ko naman sinasadya na may masabing hindi maganda. Kaya mukhang hanggang ngayon ay may sama niya ng loob. Hindi naman ako perpekto eh.. Nagkakamali lang din ako. Alam kong pinag uusapan nila ako ng patalikod. Dama ko iyon. Kaya minsan, naglakas loob akong magsalita sa isa pa naming kaibigan. "Bakit ba ganyan si ______? Napaka-inggitero eh.." Oo, inggitero iyong kaibigang na-offend ko. Pero na-realize ko na nagiging mapahusga na ako tulad nila. Naiyak ako minsan nung naging 'harsh' sila sakin. Sabi ko, "Buti nga kinakaya ko iyong mga sinasabi niyo eh.. Kundi baka nag-suicide na ako." then niyakap ako nung isa naming kaibigan. Na-realize niya ang pagkakamali nila. Masyado na daw silang naging 'harsh' at mapanghusga. May tanong ako sa'yo ngayon.. Kung nararanasan mo 'to ngayon, do you think you deserve them? Deserve that treatment?
Artikulo Uno: "Husgang Pamilya"
“Husgang Pamilya”
Husga? Siguro naman, alam mo iyon. Siguro naman, ginawa mo na iyon. Siguro naman, ginawa na ng iba sayo iyon.
Pamilya? Meron ka nun at sigurado ako doon.
Pero paano kung pag samahin natin?
Husgang Pamilya?
May pamilya ka bang puro propesyonal ang trabaho o natapos na kurso?
Naranasan mo na ba na husgahan ng sarili mong pamilya? Husga nga ba o baka naman pagmamaliit?
Kung minsan talaga, nakakababa ng tingin sa sarili. Mapapatanong ka, “Bobo ba ako? Ang worthless ko ba talaga?” pero ang mas nakakatakot na tanong “Dapat pa ba akong mabuhay?”.
Pamilya dapat ang sumusuporta sa isa at hindi Hinuhusgahan ang kakayahan, talino, at talento ng isa.
Ngayon, ang tanong ko…
Kaya mo pa ba?