Happy birthday to me.
[Long post about PLE]
These past few days, every time may "announcement" or mukhang importanteng notification na lumalabas, parang malalaglag na 'yung puso ko sa kaba. At some point, daig na daig ko 'yung nagkape sa pagpalpitate. At may point din na parang tumigil na lang talaga 'yung puso ko.
Kagabi, hinintay ko 'yung resulta ng exam. Sabi ko, para alam ko kung magcecelebrate ako ng birthday ko na masaya. 'Yung exam ay ginanap noong October 21, 22, 28 at 29, tapos bandang November 5, andami nang nagtatanong, "Kumusta? May resulta na ba?" Naloloka na ako sa excitement nila.
[Kaninang umaga ko 'to sinimulang i-type tapos andaming nangyari in between like mga tumatawag na kamag-anak at nagsundo ng kapatid, etc. so nakalimutan ko na 'yung sasabihin ko talaga.]
What a journey it has been!!! November 9 daw irerelease pero pumatak na ang 12 midnight, wala pa ring nangyayari. Nagkatawagan pa nga kami ng isang med friend hanggang past 1. Mga 2AM na ako nakatulog. 'Yun pala, 3AM banda lalabas 'yung resulta. Siyempre, naka-silent ang phone ko kaya missed call silang lahat. Nagising lang ako noong umaga kasi ang ingay ng nanay ko, "Pumasa ka raw!" Tapos ang bungad ng telegram sa akin ay messages na CONGRATS at 'yung screenshot na may pangalan ko.
'Yung utak ko at this point (bandang 5AM) sobrang "loading", hindi nag-sink in 'yung sinend na screenshot pero 'di ko rin na-search na 'yung listahan kaka-reply sa mga nag-message. Hahaha. Mas nag-panic pa mga magulang ko, sabi nga nila napanaginipan nilang hindi ako pumasa. Sabi ko, 'yan talaga ang nasa subconscious niyo eh. Nagdrama? Haha. Andami nang nangyayari sa paligid, andaming tumatawag sa nanay at tatay ko, hindi ako maka-keep up.
Pati sila, hindi na rin nakakilos nang maayos. Na-late sa trabaho 'yung tatay ko. Hahaha. 'Yung nanay ko hindi na nakaluto. Ang surreal ng feeling. 'Yung tatay ko hindi maka-move on sa "panghuhula" ko raw. Hindi raw ako makausap nang maayos nu'ng pagkatapos ng exam. Sila talaga 'yung mas anxious kaysa sa akin.
Ngayon, inaantok na ako, sa ibang post na lang 'yung iba kong feelings. I'm just so grateful right now.









