B-U-H-A-Y
“Mahirap talaga ang buhay ngunit naisip mo na ba ang ibang tao na walang makain, walang matirhan at hindi makapag-aral. Masuwerte ka pa sa kalagayan mo. Okay lang na magpahinga pero ‘wag susuko sa laban ng buhay” laging sinasabi sa akin ng nanay ko kapag gusto ko ng sumuko.
Sa paglakbay ko araw-araw mula bahay hanggang sa pamantasan, araw-araw ko nakikita ang mukha ng kahirapan. Mga batang lalaki na may bitbit na boteng may rugby, hithit dito hithit doon. Mga dalagitang may karga-kargang anak, umiikot nagaabot ng puting sobre sa mga taong dumadaan. Mga matandang nasa lansangan may hawak na lata nagmamakaawa bigyan kahit na barya. Mga may kapansanang nasa daan dala-dala ng kamag-anak, humihingi ng kakaunting barya. Hindi lang ito, mga pamilyang nasa ilalim ng tulay, nasa gilid ng mga lansangan na kapag umulan nagmamadaling humanap ng masisilungan. Iskwater, lugar kung saan sinasabing halos lahat ay hikahos sa buhay. Iba’t-ibang istorya ang iyong makikita, istorya ng tagumpay at istorya ng pagkatalo. Sa kuwentong Kubeta ni Nancy, ipinakita dito kung gaano kahirap ang buhay nila noon, na mismong maayos nakubeta ay wala sila; kubeta na isa sa pinakaimportanteng bagay na mayroon dapat sa loob ng bahay.
Gobyerno ba ang may kasalanan o mismong mamamayan na? Maraming proyekto ang gobyerno para sa taong mahihirap ngunit hindi ito sapat, dahil kung naging maganda at mas planado ang mga proyekto, hindi na dapat ganto. Lumalaki ang populasyon sa Maynila dahil sa mga taong galing sa mga rural na umaasa na mababago ang buhay nila doon. Hindi ko alam ano ang problema pero alam ko na naghahanap lang sila ng mas magandang oportunidad, mas magandang trabaho. Mayaman naman ang Pilipinas, bakit tayo naghihirap? Dahil umpisa pa lang may mali na sa pamamalakad at mali din ang paggamit sa mga tanging-yaman ng bansa. Ito ay dahil sa KORUPSYON na hindi maalis alis sa pamahalaan. Mga pera ng bayan na hindi maayos na nailalatag at nailalaan para sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. May punto nga naman ang sabi ng iba, Lalong yumayaman ang mga mayayaman, lalong naghihirap ang mahihirap. Ngunit, may mga katulad ni Nancy na ginamit ang karanasan, kahirapan upang magtagumpay sa buhay. Wala silang kubeta noong siya ay maliit pa kaya noong na nagkaroon na ng sapat na pera una niyang pinagawa ay isang malinis na kubeta, dahil ika niya na kung ano ang gamit na meron ka at kung gaano kaganda ang mga ito ay sumasalamin sa estado ng iyong buhay. Napakaraming kuwento na ang aking narinig na mga taong nagsimula sa baba at sobrang hikahos sa buhay, ngunit nagtiyaga at hindi sumuko sa laban ng buhay. Halimbawa na lamang si Henry Sy na isang magsasapatos noon at ngayon may-ari ng sikata na SM Malls, napabilang pa sa mga pinakamayayamang tao sa buong mundo. Sana ganito lahat ang katungtungan ng lahat, sana lahat ay maging matagumpay.
Isa pa, kahirapan ay isa sa mga ugat ng paggawa ng mali na nagbubunga ng pag-angat na bilang ng krimen sa bansa. Bakit ba sila nanghoholdap? Nagnanakaw? Ngunit hindi naman lahat ay kasalanan ng gobyerno, may pagkukulang din ang mga taong nasa kalagayang ito.
Panghuli, alam mo na mahirap ang bansa kapag ang bilihin ay tumataas na naman, malalang traffic, dumadami ang mga taong walang trabaho, pag-angkat ng mga bagay galng sa ibang bansa dahil sa mga kakulangan natin atbp. Dumadami ang populasyon ng bansa ngunit ang pagusad ng ekonomiya ay hindi nakaksabay rito. Marami na din ang mga nakapagtapos na walang mahanap na trabaho. Marami tayong kababayan na nakikipagsapalaran sa ibang bansa para baguhin ang kanilang buhay. Maraming pagkukulang, marami ang dapat ayusin at baguhin. Kailangang may aksyon na gawin, kailangan lahat ay kumilos, magtulungan at magkaroon ng pagkakaisa.
Kahirapan, isa sa mga isyung panlipunan na tila wala ng solusyon? Kahirapan na kahit saan ay nandyan? Sino ba ang may kasalanan? Sino ba ang dapat sisihin? Naisip mo na ba kung ano ang itsura ng bansa na wala ng taong nakatira sa lansangan at lahat ng tao ay nakatira sa maayos na tirahan? Maganda, sobra.
Kubeta ni Nancy Kimuell Gabriel, Ikatlong Gantimpala-61st GAWAD PALANCA
















