"Noong nasanay na siyang nandodoon ka, iniwan mo siya" -Vice

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from Netherlands
seen from China

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from Russia

seen from United States
seen from United States
seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States

seen from Australia

seen from Germany
seen from Malaysia
seen from United States
seen from Germany
seen from United States
"Noong nasanay na siyang nandodoon ka, iniwan mo siya" -Vice
hey ex!
hey ex! bakit ba bigla bigla kana lang nagpaparamdam? hindi ba halatang ayoko pa, ayokong makausap ka, ayokong makita ka kahit sa timeline ko, ayoko pa kase hindi pa ko ready. Hindi ako tulad mo na nakamove on na agad. Hindi ako tulad mo na wala pang one month inlove na agad sa iba. Ayokong magkaron ng kahit anong ugnayan sayo. Hindi ko alam pero kahit anong gawin ko galit ako sayo. Galit na galit ako at hindi ko mapigilan. Makita ko lang ang pangalan mo nanggigigil na ko. Kaya pwede bang ikaw na lang, ikaw na lang yun magkusang umiwas. Kase ikaw naman din yung nangiwan diba bakit hindi mo na lang panindigan.
From the one who left.
Palagi ako nakakabasa ng message para sa “The One That Got Away”. Pero siguro this time, it’s about The One Who Left. Para sayo na iniwan ko: Hindi ko kailanman naisip na maghihiwalay tayo sa ganitong pamamaraan. Oo, aaminin ko sumagi sa isip ko na baka talagang hindi tayo para sa isa’t isa. Pero hindi pala matatapos lahat nung araw na nag hiwalay tayo. Akala ko nung una kaya ko. Kasi sanay naman akong wala ka eh. Sinanay mo akong wala ka na. Sabi ko pa nga sa sarili ko, “Hindi. Kahit mawala ka kakayanin ko.” But I was wrong. Hindi ko pala kaya. KINAYA KO LANG PALA. Akala ko kasi dati kayang turuan ang puso na maging matatag. Pero hindi pala. Talaga palang dadating ka sa punto na babagsak ka at hindi mo talaga kayang bumangon. Oo masakit. Masakit kung sa masakit. Pero wala eh. Nangyari na. Siguro kung may isang bagay man na hindi ko nasabi ng harap harapan, yun ay yung nagsisisi akong iniwan kita. Nagsisisi ako kasi hindi ako naging matatag para sating dalawa. Nagsisisi ako kasi hindi ko nakuhang lumaban para sayo nung mga panahon na ikaw yung nangangailangan. Nagsisisi ako kasi sumuko ako agad. Pero alam mo, kung may mga bagay man din na hindi mo alam siguro yun yung katotohanan na hindi ako sumuko agad. Hindi ako bumitaw agad. Lumaban ako. Sa totoo lang, ang tagal na panahon kong lumaban para sayo, para sating dalawa. Nakakalungkot lang isipin na nung iniwan kita, hindi mo yun nakita. Nakakalungkot ding isipin na ang tanging nakita mo lang ay yung katotohanang iniwan kita. At hindi yung katotohanang matagal akong nagpakatatag, lumaban at hindi sumuko para sating dalawa. Pareho nating alam na hindi madali ang relasyon na pinasok natin. Pareho nating alam na may hangganan. Pero hindi ko yun tinignan sa ganung pamamaraan. Ang aga nating nagsimula. Pero kailanman hindi ko naisip na matatapos yung journey natin agad. We’ve been together for almost 5 years. Sabi nga nila relationship goals daw. Kasi we both have to travel ng halos 6 hours kasi sa Baguio ka nag aaral ako naman sa Manila. Ikaw yung unang unang tao na kahit anong meron sayo minahal ko talaga ng buong buo. Lahat ng hindi maganda sayo, niyakap ko lahat yun eh. Minahal ko lahat yun. Kailanman hindi ko naisip na baguhin ka kahit ano pang sabihin nila. Kasi naniniwala ako na mahal kita at wala na kong ibang hinahangad pa. Pero tulad ng ibang relasyon, natapos din yung satin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang dahilan. Sumuko ako. Sumuko na ko. At ngayon, alam ko masaya ka na. Kasi malapit ka na makatapos, ako mag hihintay pa ng isang taon. Dati, naalala ko pa ayaw mong mag aral sa Baguio kasi bukod sa mapapalayo sa pamilya at mga kaibigan mo, magkakalayo rin tayong dalawa. Pero ngayon, parang ayaw mo na bumalik dito kasi masaya ka na diyan. Siguro nga nagkakamali ako, pero yun yung nakikita ko.
Para sayo, pasensya na. Kasi hindi ko nakuhang intindihin ka nung mga panahon na kailangan na kailangan mo ako. Pasensya na kasi hindi ko nakuhang tatagan pa yung loob ko. Pasensya na kung pinili kong sumuko. Para sayo na iniwan ko, sana maging masaya ka sa mga tatahakin mo. Hanggang ngayon patuloy ko pa ring ipinagdarasal na sana makamit mo yung pangarap mo. Pinagdarasal ko pa rin na kung nasaan man sana ligtas ka. Para sayo na iniwan ko, sana hindi na muling iwan pa. Sana hindi ka na makatagpo ng taong iiwan sa gitna ng daan kung saan maraming pagsubok. Sana makatagpo ka ng taong hahawakan ka sa kamay sa mga panahong kailangan mo ng kasama. Higit sa lahat, sana makatagpo ka ng taong magmamahal sayo sa kung sino ka at hindi hihilingin na magbago ka. Oo, iniwan man kita. Natapos na ang meron tayong dalawa. Pero kailanman yung pagmamahal na meron ako para sayo ay hindi matatapos. Hindi mawawala. Ako nga pala yung nang iwan sayo. Sana maalala mo pa rin ako. Kasi ako, hindi kita kailanman makakalimutan kahit iniwan kita. PS: Hindi lahat ng nang iiwan, hindi nasasaktan.
Friend?
Are you still my friend even if you choose to stay with another group of peeps instead of sticking around with me?
Should I still call you friend when you already stopped sharing things with me?
Are we still friends now that we hardly talk with each other?
Unfair.
Ang unfair talaga ng buhay kainis or what pero nakakainis na nakakatampo e. Naantay ko naman sila nung nakaraang sem eh kahit di pa sila bayad nagantay ako para maging classmate sila. Tapos ngayon hindi, hindi nila ako maantay kasalanan ko ba na may bagsak ako, kasalanan ko bang magsummer ako. Ang unfair lang sana di nalang nila sinabi na aantayin nila ako kahit malate ako :( nakakaiyak lang. Kanina halos tumulo na luha ko e. Naiiyak ako pero pinigilan ko lang! Pumasok kami ni angel sa tech voc tas bukod sa may sinabi ako talagang yun nga about dun. Tapos sa mga taong nagsabi na aantayin ako thank you nalang salamat sa mga paasang salita next time kasi wag nalang magsabi kasi umaasa ako, hirap kaya umasa. Maging irreg man ako di ko kaya na kunin section nyo masasaktan lang ako classmate ko nga kayo pero bilang lang yung subject kaya wag nalang. Sakit kasi e sobra X( If they only know what I feel right now. It hurts guys :(
Di lahat ng kaya mong bitawan, kaya mo ulit hawakan.
I can't sleep. May duty pa ko mamaya, I guess he's not going to text me anymore. Fine bye.