LAST NA TO
“Last na to”
Yan ang paulit ulit kong sinasambit sa tuwing iniisip kita. Yan ang mga salitang namumutawi sa aking bibig sa tuwing gusto kitang madama. Yan ang mga katagang sinasabi ko sa tuwing nais kang makasama.
“Last na to”
Yan ang sinabi ko nung napagdesisyunan nating maghiwalay. Yan ang mga salitang paulit ulit kong sinasabi sa tuwing tayo’y nagaaway. Yan ang dinidikta ng puso kong sawi at gusto ng bumigay.
Ngunit, mahal. Hindi ko alam kung ito na nga ba ang huling “Last na to” ko, sapagkat, kelangan ko na talagang mamaalam. Hindi na kita kaya pang saktan.
“Last na to”, yan ang sinabi ko sa huling pagkakataon na hinithit ko ang sigarilyong paulit ulit sumusunog sa aking baga magkaron lang ng pagkakaabalahan ang aking bibig upang di na ika’y muli pang hagkan.
“Last na to...”, peksman









