Di ko alam kung pa'no ko siya sisimulan 😂 kasi tawang tawa ako sa nangyari. It was yesterday, Christmas party nun. Then our advicer start to play the sweet songs. Siya, hinila ako. I have no idea kung bakit? Sabi niya pag punta namin sa gitna..
"Comfortable ka ba? o Nagtataka ka pa rin bakit ikaw ang hinila ko dito?"
Di nalang ako nag salita. Nag play yung Remember Me This Way. Go to the flow ang lola niyo. Naka tingin siya sakin pero ako, di ako makatingin ng diretso. Hmm.. Then after that, Our advicer says na mag start na ang parlor games.. Nag start sa connect the colors siguro yun, next yung Calamansi Relay. Lahat ata yun, sinalihan niya. Then ang hindi ko inaasahan na laro na magka partner kami ang NEWS PAPER DANCE.
Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko kinaya. I'm so glad kasi ako ang hinila niya, akala ko kasi easy lang, hindi pala.
Una, hindi pa natutupi yung News Paper, pasayaw sayaw pa naman ako, nung nag stop na ang music, nahirapan akong iapak yung paa ko, di ko rin alam kung bakit pero natutumba ako kaya hinawakan niya yung likod at kamay ko. Siguro pang alalay lang. 😂❤ tapos yun Ok naman siya sa una.
Then sumunod na ang Unang tupi ng News Paper. Hmm.. Napahawak ako agad sa braso niya nung nag stop yung music. Eh, gusto ko manalo kami. Di ko tuloy maiwasang tumingin sakanya.
Sumunod na ang pinaka nakakatarantang pangyayari. Pasayaw sayaw pa ako, para akong ewan sa mga ginagawa ko. Sinabihan ko rin siya ng "SUMAYAW KA RIN NG PARANG GINAGAWA KO!" Di siya nakapag pigil tumawa at sumayaw nga siya at gusto niya pa na mag show down kami. Grabe siyaa.. At ng nag stop ang music, nagulat ako ng binuhat niya ako ng parang bagong kasal.
Naramdaman kong nag iinit yung mukha ko at naririnig kong humihiyaw na ang mga kaklase ko. Ng bigla niya akong ibinaba at sabing..
At yun na nga, dun kami natalo. Pero para sakin ok lang kasi ang pagkaka alam ko hindi naman ako ganun kabigat. Tsaka ok lang sakin atleast sa sandaling iyon, nakasama, nahawakan at naging partner ko siya sa NEWS PAPER DANCE =) ❤🙌