At last, nakapunta na ulit sa meet-up. Thank you sa tatay kong iniiwan lagi yung pera nya sa sala kaya nakakupit at nagkapera ako. Hahaha okay, medyo joke. Medyo lang!
Una sa lahat, thank you sa non-tokis buddy ko papuntang Luneta, kuya Allan! Kahit na-late ako sa call time natin. Pwe, talk about call time. 😈 at sa mga nakasama especially sa close tumblr friends (laguna people, etc.) na antagal dumating at kay Gelo na finally nakasama ko na din, sa mga nakaselfie, at sa lahaaat!!!
Thank you sa mga naarboran ko. 1. Kuya Allan, yung drafts ng mga blog at tsaka letters mo. Kinilig ako. 2. Kuya Pol, exchange case ng iTouch mo. Kahit binigyan mo ko ng card na may pirma mo nung una. Nakakainis, aanhin ko yun? Hahahaha payatot.
Thank you din sa nakasabay ko umuwi, Cedie and SJA friends!!! Utang ko buhay ko sa inyo. #OA hahaha hirap ng hindi marunong magcommute, ew. Thank you talaga!
At sa mga napagkamalan akong 15 years old. Seryoso? Di ko alam kung matutuwa ba ako. Nawalan tuloy ako ng lakas ng loob na ibili ng condom (na hinihingi nya sakin, pampaswerte daw) si Niro kanina. Kasi sabi niyo baka di ako pagbentahan. Huhuhu.
Okay, andami ko ng pinasalamatan. Dinaig ko pa artista. Hahaha basta thank you talaga, I had a great day! 💕
PS Bukas na ko maguupload. Hehe.