Kunwari pormal para magmukhang may sense ‘tong greeting ko sayo. Ayos ba? Here we go. First of all, thank you sa lahat ng kaputahan! Hindi mo lang alam dahil sayo, ako’y di makakain. Di rin makatulog buhat iyong lokohin~ Char. Hindi mo lang alam.. Hindi mo talaga alam kung gaano ko kasaya na naging kaibigan kita! As in putanginang masaya. Intense!!! Those midnight conversations thru dm, wechat, texts at kahit sa facebook.
Alam mo ba, ikaw na ata pinakaclose ko dito sa tumblr. As in define close. May ilang mga kaibigan kasi ako dito sa tumblr na nakakausap, pero nawawala din. Tas kapag nakausap ulit, parang di na ganun yung attachment. Hirap iexplain, pero gets mo ba? I’m running out of adjectives. Hehe. So yun nga, pero ikaw, iba ka. Kahit hindi na tayo laging nagkakausap dahil I’m too engrossed with school stuffs. Parang walang nagbabago. Nagkakamustahan pa rin from time to time, nagshasharan pa rin ng mga intense na kalandian and the like. Ako lang ba to, o ang cute talaga natin? Hihi. :”>
At bilang pinakaclose ko, ikaw pa lang din yung nag-iisang tumblr friend ko na pinagsabihan ko ng password ng facebook ko. Sayo ko lang din unang shinare yung happy crush life ko. At thankful ako na di ka nagsasawang pakinggan ang kahibangan at pag-aassume ko. Thank you kasi sinusuportahan mo ko sa happy “umaasang” crush life ko. Thank you dahil hindi ka naririndi sa kilig vibes ko kapag nakwekwento ako!!! Thank you for trusting me din. Nakakatuwa talaga kapag nagshashare ka din sakin. I so love you!
Kahit sinasabi mo na ako pinakaputang kaibigan mo, love na love pa rin kita. Naalala ko nung nagkwento ako sayo tungkol sa nakasakay ko sa jeep na pumulot ng nalaglag na piso ko (na note ulit: hindi ko sinadyang ilaglag yung piso ko. Shet hahaha!) Sabi mo, “Edi nagpacute ka na naman. Amp kilala kita!) Pakyu ka, loyal naman ako sa mga crush ko. Alam mo yun! Okay take note of “mga”. J Hahahaha shet.
Thank you din pala sa pagshashare ng mga pogi! Naappreciate ko yun. Hahahahaha. Okay puro kalandian na ‘to. Eto na lang: super thank you na naging kaibigan kita! Na andyan ka lagi. Na naiintindihan mo ko. Na napapasaya mo ko. At sa lahat! My life would be a lot different without you. Grabeng good vibes talaga binibigay mo sakin, di ko kinakaya. Goodness!
Sana masaya ka lagi. And don’t ever forget me kapag may kailangan ka –kausap and stuffs. I’m just a text away. Alam mo yan. Kahit 10 years bago ako magreply. Hahaha. Okay so happy birthday, bebs!!! Ang tanda na natin, pero wala pa tayong lovelife, pero okay lang yun kasi cute naman tayo. Oha! I wish you all the best life has to offer, bitch. Basta andito lang ako lagi, okay? I love you bigtime! See you soon. :*
PS: Akala ko 29 birthday mo tapos 23 graduation mo kaya kagabi ko lang ginawa 'to. I know, bullshit it was. :( I'm so sorry bebs!!! Di ko talaga alam. Huhuhuhuhuhuhu.