"Uy ana eto oh, kamusta ka daw. :D" Professor ko yun. Intramurals namin at pauwi na kami noon ng mga kaibigan ko nang bigla yun sinabi ng prof ko. Lumingon ako sakanila pero di ko na napansin kung sino yung sinasabi ni ma'am na nagpapakumusta kasi syempre nakakahiya rin. Pero yung mga kaibigan ko hinanap talaga nila at nag-conclude na baka si Neil daw yung sinasabi ng prof ko. I got curious about it. Nacurious ako for the reason that feeling ko kasi dahil sa nangangamusta na yun e laging may matang nakatingin sakin. At dahil dun, I have searched for his profile thru FB. Ewan ko ba kung anong bagay yung biglang pumasok sa sistema ko, ang korni naman kung sasabihin kong "love at first sight" yung naramdaman ko nung moment na yun. Pero di na ko magkakaila. Ganoon nga yata, na-love at first sight nga yata ako. Pangalawang taon ko na sa unicersity, marami akong nakikitang ibang lalaki, at inaamin kong di ko talaga sya pansin dati pa naman. Actually, wala naman talaga kasi akong interes sa mga ganung bagay noong mga panahong iyon. Hanggang isang araw, nalaman ko na hindi naman pala talaga sya yung nangangamusta sakin, sabi ko sa sarili ko na titigilan ko na yung kung ano man yung sa tingin ko ay infatuation na nararamdaman ko towards neil, but I can't. Mas napansin ko sya as time goes by. Ewan ko kung paano nadevelop, basta isang araw nadatnan ko na lang yung sarili ko na kinikilig sa presensya nya. Alam ko na parang laro lang sakin nung mga panahon na yun ang magka-crush, para na rin may inspirasyon kumbaga. Di ko talaga inexpect na aabot sa sukdulan. Na para bang di mabubuo ang araw ko pag di ko sya nakita sa buong maghapon. Dumating pa sa punto na kinuhanan ko sya ng stolen shot. Ultimo bag nya at likod pa lang nya ang makita ko, maghuhurumentado na ko. Hanggang sa nadestino ako na mag-SA sa department nila. Grabe yung saya ko nun. Iniisip ko na lagi ko na syang makikita pero ang di ko naisip ay dun din ako mabubuking. Kung tutuusin, kuntento na kong kinikilig at pinapantasya sya ng palihim, di naman ako naghangad masyado ng atensyon nya. Kumbaga okay na ko sa pa-crush crush. Hanggang sa nalaman na nga ng mga tao sa paligid namin yung lihim na nararamdaman ko para sakanya. Tukso dito, tukso doon. Para akong natotorpe. Natitigilan ako pag parating na sya. Ni hindi ako makatingin sa kanila, sa kanya. Hindi katulad ng dati, kahit lagi nila akong nakikita, wala silang alam. Hindi nila alam na palihim na akong kinikilig pag nandyan siya. Ngayong alam na nila, I am already bracing myself sa mga susunod pang pangyayari. Pag nandyan ang asaran, hindi ko alam kung anong reaksyon ni neil, umaasa na lang ako sa mga bali balita at panunukso ng mga kasamahan kong prof sa trabaho. Kahit hanggang ngayon, hindi pa rin naman ako naghahangad ng sobra. Ni hindi pa rin nga ako sigurado kung infatuation pa rin ba ito o yung mas mataas na level na. Hindi ko rin naman kasi kilala yung buong pagkatao nya, wala talaga akong idea. But I'm looking forward to know him better or even be friends with him. Gusto ko magkakilala kami ng husto at I'm willing to accept kung ano man yung magiging resulta. Pero tae, kinikilig talaga ako pag nandyan sya. Hahahaha! Wala lang naman talaga tong blog na to. Gusto ko lang talaga ilabas yung kaartehan ko. Hahaha.










