Ang STAPLER
Sadyang may mga tao talaga yatang galit sa stapler (o sa staples siguro). Yung tipong kakayanin naman ng isa, pero dadagdagan pa nila ng 455 times na pag-staple. At pag pinaghiwa-hiwalay mo ang mga papel na walang awa nilang pinagdikit-dikit na siguro ay avenue ng kanilang rage towards something, dudugo muna ang mga kamay mo bago mangyari yun. At mas mabilis pa sigurong makarating sa Mars at pagkatapos bumalik sa Earth kesa sa tanggalin ang mga staples na yun. Magbilang ka na ng 1 to 10 billion at irecite ang alphabet ng 40,000 times, nagtatanggal ka parin ng mga staples. Asar dibaaaaaaaaaa???












