going back to pinas!
im so excited to go back sa pilipinas. gusto kong kumain syempre ng baboy, maglaro ng volleyball, mag inom kasama ang mga kaibigan, at syempre makasama ko ang mga mahal ko sa pinas! pero alam nyo sa pag alis ko siguro dito sa saudi mamimis ko ung simple at tahimik na buhay ko! dito kasi parang hindi gaanong uso ang chismis, hindi mo kailangang pumorma ng todo! pero higit sa lahat ung aircon! wala kasi kameng aircon sa bahay sa pinas e! tsaka mahal ang kuryente! ahahaha mahirap,nakakapagod, nakakapuyat, nakakapimples nakaka laki ng mata ang trabaho dito! kailangan matuto kang mag arabic para sa pakikipag usap mo sa customer at para din sa sariling kapakanan. dito sa saudi wala kameng inaabangan kundi ang pagdating ng sweldo, ang sale sa mga market, ang dollar daw(pero di ko pa natry). dito kasi as much as possible kung maibubudget mo ang 100riyals sa 1buwan. pero ako pinipilit ko na mas mababa pa sa 100riyals ang gastusin ko! syempre kaya nga ao nandito para makaipon! para sa nanay at tatay ko! anyway, ilang buwan na lang tlga at uuwi na ako! pero dipa ako nag uumpisang mag ipon para sa kahon na ipapadala ko ulit sa pinas! more groceries lang naman usual ang pinapadala ko! mas priority ko kasi ung magagamit nila sa araw araw kesa sa mga abubot lang :) sa paguwi ko, kayanin ko kaya ang sasabihin ng mga kapitbahay na "penge namang chocolates"? sa totoo lng wala akong plan na maguwi ng chocolates. ewan ko ba! hahaha anyway 5months pa un, hanggang dito nalang muna! next story "kung anong mga masamang nangyare sakin dito sa saudi" pag sinipag ako mag post!















