Kahapon, Feb. 17,2015, sa gitna ng walang tigil na trabaho, dumating ang isang balitang hindi ko mawari kung matutuwa ako o hindi. Nakakatuwa kasi bago pa man ako pumasok ng fourth year, hindi na talaga ako umasa na mapabilang sa mga estudyanteng magkakamit nun at ang nangyari eh nakasama ako sa labing isang estudyante na maaaring magkamit nun. Hindi sya nakakatuwa kasi nuon pa din eh natutunan ko ng tanggapin sa sarili ko na hindi ako nararapat para sa karangalang iyon. Alam ko naman na nung una pa lang na hindi ko talaga ginusto tong pinag-aaralan ko. But then, I stayed because this is all I have. Kung bibitawan ko sya,.walang kasiguraduhan o baka wala talaga akong kababagsakan. Inappreciate ko lang kung anong meron ako. Tsaka inaamin ko din na hindi ako masyado nag-excel sa mga major subjects ko kaya baka magulat na lang ung mga profs ko kung bakit ako nasama dun. Baka sabihin nahila ng minor subjects. Tsk. Tsk. Tsk. Pero yun yung totoo. Nakakalungkot kasi wala akong mapagsabihan. Heto na naman ako nagsusulat na naman. Hayahay! Ganyan talaga ang buhay.










