[1]
Labintatlong buwan
Ng hirap at saya,
Tampuhan at tawanan,
Kay bilis nga talagang lumipas.
Sa pagtatalo ng kadiliman at liwanag,
Aking sinusulat itong tula ng paghanga.
Katahimikang bumabalot,
Sumasabay sa pintig ng dibdib nitong binatang umiirog.
Kung aking susumahin,
Kulang pa ang sandaling inalaan
Para sa pagsulat ng sining
Na sa iyo’y ninanais makarating.
Ngunit sa pagsibol ng damdamin,
Akin nalang ipapahayag
Ng maikli at taimtim
Nang sa gayon, hindi rin naman maging pabigat itong yaring sining.
Sa nakalipas na labintatlong buwan,
Kakaibang pakiramdam ang aking natamo.
Iba’t – ibang pangyayari at karanasan
Na sa tuwi-tuwina’y kay sarap balikan.
Kakaibang pakiramdam pala ang magmahal ng tunay
Kumukumpleto sa anatomiya ng iyong pagkalalang,
Nagbibigay ng Masaya at kakaibang oryentasyon
Sa lahat ng ginagawa at ninanais mo sa iyong buhay.
Ngunit hindi sa lahat ng oras,
Nakangiti sa iyo ang pagmamahal
Nandyang nais na talikdan ang sinimulang suyuan
Upang maiwasan ang sakit na nararamdaman
Gayunpaman, sa ganitong pagkakataon,
Ang bawat isa ay masidhing kumakapit.
Sa paniniwala ng pareho at myutwal na pagkakaunawaan,
Na ang mga minimithi sa hinaharap ay makakamit.
Nawa’y wag mo sa aking ipagkakait,
Ang matamis na ngiti na sa una palang dumukot na sa damdamin.
Kung para sa binatang ito, ang pag ibig sayo’y kanyang mundo,
Mas maigi pang siya’y kitilin, kesa ipagkait ang natatangi mong pagibig.
Tila baga’y ikaw ang Reynang Elizabeth,
At ako nama’y isang kabalyero ng naturang kinasasakupan.
Tatalunin ang nakagisnan na ideolohiya
Kukunin ang yong kamay, sa panahong plinano ni Bathala.
Batid kong makaluma at tradisyunal
Itong napiling paraan ng pagpapahayag.
Ngunit sana’y maintindihan
Na sa lalaking umiibig, gagawin ang lahat, masunod lamang ang damdamin.
Nais kong sabihin lahat ng pag ibig at papuri
Ngunit gaya nga ng akin nabanggti,
Maaaring ito’y hindi na epektibo
At sa huli’y tumalikod sa tungkulin na sa una palang ay sinabi.
Gusto ko lamang iparating,
Sa malapit na pagtatapos ng tulang ito
Na sa lahat ng nangyari at mangyayari pa,
Ako’y maaasahan na makakasama mo.
Hindi kita pababayaan,
Ako ang magiging kabalyero mo.
Kung may hindi pagkakaintindihan,
Hayaan mong magkasama nating hanapan ng sulosyon.
Iniibig kita binibining Valerin,
Sa akin, nawa’y ipagkatiwala.
Nang labintatlong buwan natin,
Malagpasan pa nang higit sa ating inaakala. .
- tulalero-tulalera











