Christmas feels here at IVCF home. Grabe, nagiging home ko na talaga ‘tong IV. Sobrang kumportable ko na rito kahit puro staff lang kasama ko. IVCF really is a gift to me, simula ng mainvolved ako dito parang nagkaroon ng kabuluhan yung buhay ko. Dito dinefine kung paano talaga maging servant leader. Nakakainspire yung mga staff kasi kahit madalas delayed yung sweldo nila, nandun pa rin yung passion nila to serve lalo na sa mga students.
Nakakataba nga naman kasi ng puso, as an SG leader sa chapter namin ang sarap sa feeling yung part ka ng paggrow ng isang estudyante spiritually. Crucial nga lang in a way kasi hinuhubog mo yung belief nila. Pero pag nakikita mo na yung gradual changes and growth nila, priceless eh. :) sayang at tsaka ko 'to naappreciate kung kelan malapit na kami grumaduate.
Pero pwede pa rin naman bumalik ng PUP, or tumulong sa IV. Inaasar nga nila ako, magvolunteer staff daw ako pagkagraduate. Tinatawanan ko na lang. Pero to be honest gumugusto na ko. XD kung dito ako inilalagay ni Lord, why not?
Naalala ko yung tanong nun sa radyo, “life is not measured by how much you received or you attained, life is measured by how much of it you are giving away”














