3 hrs travel - 15 mins beach Eh kasi nga biglang wala kaming klase 1:00-5:30 yung class namin na yon and ang aga pa so naisipan namin mag batangas. From Cabuyao, Laguna pa kami ha. So malayo. Nung nakarating na kami don may bayad na 100 + 1,500 para sa cottage, since hindi naman kami magsstay don matagal pinilit na namin si ate na payagan kami pumasok ng free. Tas pumayag sila kaso dapat 15 mins lang sa loob. Kaya takbo agad kami pag pasok sa gate at todo picture na for a good 5 minutes then 10 minutes to enjoy the view. Ang saya lang. Then after non umalis na kami. Sa road may napansin kaming isang street tas puro street foods!!!!! Grabe solid! Less 100 lang nagastos namin + beach pa. Saya diba. Hahahaha. So ayon. Sobrang solid nung nangyari samin today.