Dear Button, Uy Pogi! Ay Kupal pala!
Orientation namin kanina. Guess what? Na good morning starter pack ako! Haha. 8:30AM ang orientation, syempre late ako mga before 9AM na ko nakarating at ayun umagang umaga winarla kaming mga late sa office.
Ate Girl: Anong oras orientation nyo?
US: 8:30AM po
Ate Girl: Anong oras na?
ME: Wala kang pake! Walang makakapigil saken! *Eme*
US: 9AM po.
Ate Girl: Bakit kayo late?
US: Lul *joke uli*
Ate Girl: Hindi kayo sasagot? Amin na index cards nyo!
US: *Nag explain isa-isa, syempre nag imbento lang ako ng scenario*
Ate Girl: Next time pag tinatanong kayo sumagot kayo!
Nag sorry kami bilang kaplastikan haha kinginang babae yun ganda ng welcome samin! Tinignan ko I.D pag labas ko kinuda ko sa mga friends namin ang naganap na pagbubuga ng apoy ni Ate Girl.
Orientation proper na. Nung nagpasa ako ng requirements nakita ko to si Kuya Cute sa loob ng office, sabi ni friend mayabang daw yun. Si Kuya cute din pala yung mag oorient samin ngayon kaya pumunta kaming magtotropa sa harapan bilang pag bibida bida. Pinabasa samin yung agreement dahil may Q&A daw. Pinababa yung agreement sa lapa0g, taray may quiz pa ata muntanga lang! Tapos sabi nya ang di daw makasagot sa tanong nya ay lalabas na. Biglang nagtanong sya ano daw nakasaad sa agreement no. 5 tapos natawa ako, sa isip ko pag ako di nakasagot sa tanong nito dahil di naman namin kinabisado lahat ng yon, di ako sasagot lalabas na lang ako haha. Habang tumitingin ng pwedeng tawagin si koya, sinisigaw ng mga kaibigan ko pangalan ko tapos pinapakyuhan ko sila sa likod haha nanetong mga to e. Tapos kingina puro kayabangan si Koya cutepal (kupal) So totoo nga ang sabi na sabi ng ubod ng kayabangan at GGSS eto si cutepal. Habang nagdidiscuss sya di ako tumitingin hanggang sa tinawag nya ko, di parin ako tumitingin kaya sinabi nya “Ikaw kanina ka pa hindi tumitingin sakin.” Gusto kong sabihin na.. “Eh tangina napakapresko mong kupal ka e! Orientation pinunta namin dito hindi kayabangan mo namo!” pero syempre nag fake smile na lang ako at sumagot buti medyo tama haha. Tapos isa sa mga agreement ay “No romantic feelings allowed” something ganyan at aba sabi ni kupal ay wag na kaming magtangkang ligawan sya hays napapa face palm nalang kami e. Tinanong nya rin kung pwede ba daw magpapicture kami sa employee tulad nya may mga sumagot ng pormal na “Pwede po siguro after ng trabaho.” Gusto ko sanang sabihin.. “Tanungin mo muna kami kung gusto naming magpapicture sayo!” Tumtingin ako sa mga nasa likod at naiirita na rin sila pero nagpapakaplastik sila sa pagtawa. Marami pang kayabangang kinwento si kupal at sobrang nakakairita talaga. Bukod kay Kim del Ro*ario na hindi ko na nakikita, may panibago na namang akong kinaiinisan -______-















