Hindi ko maintindihan e. Masyado lang ba akong nag-assume. Kasi naman ilang ulit mo ko pinaasa. Pa-fall ka, alam mo ba yon? Nung una sabi mo kung pwede mo ko maging girlfriend. Tas yung pangalawa, nung time na magdamag tayong magkatext. Tas yung pangatlo nung ang daldal mo, andami mong kwento nun about dun sa event na pinuntahan mo. Yung pang apat, nung sinend mo sakin yung picture mo na nakangiti ka. Yung panglima, nung nagsimula ka ng magpost ng picture natin kahit walang muka. Lol. It mattered kahit paa lang yun. Hahaha. Yung pang anim nung sinabi mo sakin na “Yeah, driving you crazy, i hope.” kasi tinanong kita nun kung nagdadrive ka ba. Tapos yung nag-aya kang mag-inum kasi pareho tayong di nakasama sa gimik ng mga kaibigan natin. Yung sumunod nung tinext mo ako bigla ng “Naisa liligawan na kita xD jk.” Tapos palagi mo kong inaasar na nagseselos ako. Tapos basta. Andami-dami. Namimiss na kita. OO. Assuming lang ako. Pa-fall ka naman kasi. Bleh!

















