Dalawang buwan na ang lumipas nung nagkasundo tayong sabay maglalunch. Di ko akalain na yung araw na yun ang babago sa ikot ng mundo ko. Hindi ko pa masabi kung dapat kitang sisihin o dapat kitang pasalamatan. Mahabang lakarin pa ang dapat kong tahakin para matuklasan ang sagot... pagtitiwalaan ko nalang yung salita mong di mo ako iiwan -- umoo man ako sayo o humindi. Wag kang mag-alala, kilala kita at kilala mo rin ako. Alam mong di kita kakampihan sa mali, pero papanigan kita sa tama. Mabugbog na tayong dalawa pero di kita papabayaan. Kaibigan ako, alam na alam mo yan! Subok mo to. Salamat sa bawat sermon, salamat sa pagmamahal. Salamat sa love sa anak ko. Salamat sa pag-alala kay mamsi. Salamat sa pagiging instant sandalan ko. Salamat sa pagpapa-alala na uminom ako ng tubig kahit ang hilig hilig mong patawanin ako kapag iinom na ako. :( Salamat sa pagbubuhat ng mga labahin ko. Salamat sa pagtatapon mo sa labas ng basura ko sa apartment. Salamat sa pagrerefill ng water galon ko. Salamat sa pagsabay sa aking kumain. Salamat sa pagsabay sa mga trip kong alam kong di mo talaga trip. Salamat sa pagtawa sa mga corny jokes ko. Salamat sa pakikinig na walang kasamang panghuhusga. Salamat sa pagsama sakin sa PNE para manuod ng movie na 360pixel lang naman,lol. Salamat sa lahat lahat... di ko na kayang isa isahin. Dalawang buwan palang pero ang dami dami mo ng pagtityaga para sa akin. Hindi ako deserve sa pagmamahal na gusto mong ibigay sakin.. kaya sa ngayon, hahayaan kitang i-enjoy ang pagiging ikaw. May kalayaan kang tuklasin kung sino ako. May karapatan kang kwestyunin, kung ako ba talaga ang gugustuhin mo! This time, I'll let you to judge me. Babalikan ko ang sagot mo, pagdating ng araw na handang handa na ako.. #Pafeydi








