Dulot ng Ingay
May personal na takot ako sa mga bagay na umiikot. Hindi ko alam kung bakit pero ako’y madalas nababagabag kapag ako’y dumadaan sa mga welding shops. Hangga’t maaari ako’y nagmamadaling maglakad paalis. Tinutukoy ko ang mga ginagamit na panghasa ng metal. Sa sobrang bilis umikot ay tumatalsik na ang mga munting metal na hindi makita ng mata. Dahil sa friction, umiinit ang metal dahilan ng pagtalsik ng mga munting metal. Naiisip ko kapag tumalsik yung panghasa ng metal sa akin. Kaya kapag dumadaan ako sa Gabriela Silang ay minamadali koa ng pagdaan sapagkat baka biglang lumuwag ang tornilyo ng pangahasa’t tumalsik sa akin. Ayon sa sikolohiya, ang takot ay madalas nakukuha kapag may kaakibat na nakakagulat na tunog. Sa aking napag-aralan, sabi dito na ang isang batang walang takot sa daga ay sinanay na takutin sa daga sa pamamagitan pagpapakita dito at may nakakgulat na tunog. Kung kaya natakot na ang bata sa daga kahit hindi siya takot dito ng makaraan. Ngunit natanggal ang takot niya sapagkat sinubukan nilang ipakita ang daga na walang kaakibat na nakakagulat na tunog at gumana ito. Isang napakagandang eksperimento upang mapaliwanag ang paggalaw ng utak at pag-iisip ng isang tao.
Kaya pala ako natatakot sa mga mabibilis umikot na bagay sapagkat may nadudulot silang maingay na tunog. Kahit sa simpleng electric fan na walang takip ay aking kinakatakutan sapagkat napakabilis at nagiging maingay. Iniisip ko kasing nag-iingay ito sapagkat maluwag na ang mga tornilyo. Hangga’t maaari ay agad ko itong papatayin.











