Nakapanood pala ako ng Cartoons at ang pamagat ay Steven Universe. Kahit pambata, syempre pinapanuod ko pa rin (parang Adventure Time). Pero minsan hindi talaga pambata ang mensahe ng programa. Sa episode na napanuod ko, tungkol siya sa Inferiority Complex. Ayaw niya na tinititigan ng mga tao dahil pakiramdam niya’y nanliliit siya. Ito na ang pagsisimula ng aking kwento.
Noong bata pa ako, hindi talaga ako marunong makisalamuha. Sa bawat galaw ko ay maingat at pino. Ayokong pinapansin ang mga kamalian ko sapagkat alam ko sa sarili ko’y hindi ko matatanggap. Kahit gaano kaliit dapat napakaperpekto. Noong nasa hayskul pa ako, nagtanong ang kamg-aral ko.
“Bakit ka ganyan gumalaw? Masyado ka namang ‘tense’. Bakit ayaw mong magpakasaya?”
Nandilim ang mga paningin ko. Hindi ko akalain na may mga taong hindi nasisiyahan sa mga galaw. Sunod ko na lamang nalaman na dinala na pala ako sa ospital. At nang maging maayos na pakiramdam ko. Pinagtitinginan na ako ng mga tao.
“Napaka’OA’ naman niya.” Bulong ng isa.
“Baka may sakit yan. Makalayo nga, nakakatakot.” Pandidiri ng isa.
“Sa bagay ganyan naman talaga ang mga maarteng mga babae.” Sagot niya.
Pinilit kong tumakbo ngunit wala na akong lakas. Wala na akong pakialam sa mundo. Ginagawa ko naman ang makakaya ko. Bakit ba hindi nila naiintindihan iyon? Sinubukan kong baguhin ang kilos. Pinilit ko maging iba. Ayoko na maging mahinhin sa paningin ng mga tao.
Tila nagrebelde ako. Noong mahinhin at maayos na babae ngayo’y marahas at walang galang na rebelde. sumama ako sa mga kalalakihan. Kung ayaw niyo ako tanggapin bilang babae gagawin ko ang mga payo niyo na magkaroon ng saya sa buhay. Nagmakaawa ang mga magulanng ko na bumalik na ako sa dati kong hitsura. Bakit ako babalik kung masaya naman pala ang maging malaya at walang nagdidikta na mga tao sa iyong mga gagawin. Kahit ganito ako. Nakaabot ako ng kolehiyo. Ngunit nagkaroon ulit ng suliranin sa pagdaan ng mga araw.
“Ano ba ‘yan! Kababaeng tao napakamagaslaw at walang galang. Hindi tinuruan ng maayos ng mga magulang ito. Walang mararating ito sa buhay.”
“Ang sagwa tingnan ng mga tattoo sa katawan. Dinungisan niya sarili niya dahil sa pansariling kaligayahan. Nakakadiri!”
“Hindi na yata ako magtatagal sa klase na ito dahil sa barumbadong galaw nitong babaeng ito. Siguro lilipat na lang ako ng ibang kurso. Bakit kasi ito yung pinili kong unibersidad?!”
Mga bulungan nila. Nandilim ulit ang aking mga mata. Hinimatay na naman ako. Dinala ulit ako sa ospital. Nang magising ako, mag-isa lamang ako sa kwarto. Walang kasama, napakalungkot. Iniisip ko, baka may ginagawa sila. Iniisip ko ito para gumaan ang loob ko pero umagos pa rin ang mga luha sa aking mga mata.
“Bakit ako nagkaganito? Bakit walang nagkakagusto sa mga kinikilos ko? Bakit ba hindi nila ako maintindihan?” Paghikbi ko. At may biglang bumulong sa akin.
“Kahit anong gawin mo... Walang magkakagusto sa ‘yo! Ang mga tao’y sadyang mapnghusga at hindi makontento. Kung ako sa ‘yo, Kunin mo itong patalim.” May biglang lumitaw na kutsilyo sa harapan ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling pero kinuha ko ito.
“Ilapit mo kaya iyan sa puso mo. Wala namang pakialam sa ‘yo ang mga tao kaya tapusin mo na lamang ang buhay mo.”
Dali-dali kong sinaksak ang sarili ko. Wala na akong pakialam kung walang pakialam sa akin ang mga tao. Wala namang nagmamahal at umiintinde sa akin.
“Ang latest news ngayong araw. Isang estudyante... Nagpakamatay mismo sa loob ng isang ospital. Ibabalita ni Anee Zuchi...”
“Isang estudyante ang hinihinilang nagpakamatay dahil sa hinihininalang sakit sa pag-iisip. Ayon sa mga kapulisan ay kinuha niya ang isang kutsilyo na ginamit sa pagabalat ng mansanas at tinapos ang kanyang buhay. Gulat na gulat ang pamilya niya sapagkat wala namang naging problema sa kanya. Ayon sa kanyang mga magulang ay wala silang napansin na pagbabago sa kanilang anak. Ayon sa kanyang mga magulang, isang magaling at matalinong bata ang kanilang anak. Ito ang kanilang pahayag.”
“(Umiiyak) Huhuhuhuhu... Hindi namin alam na may pinagdadaanan siya. Nagpasalamat kami sa Diyos sapagkat naging isang mabuting anak siya. Hindi niya naisipang maging rebelde sa kabila ng mga hirap niya sa pag-aaral. Huhuhuhu...”
“At diyan po nagtatapos ang balita ngayong araw maraming salamat sa inyong pagtangkilik sa aming programa...”
Namatay na pala ako... Bakit hindi nila nakitang nagrebelde ako. Ibig bang sabihin noon na nasa isipan ko lang lahat iyon? Ano ang nangyayari?
“Hindi talaga nangyari ang lahat ng iyon sapagkat ako mismo ang kumokontrol sa isip mo. Kung tinangggap mo lamang ang sarili mo ay sana hindi ka nagkaganito.” Ang sabi ng isang boses na narinig ko na kung saan.
Bakit matindi ang pagsisisisi na aking nararamdaman? Ang huling tanto ko habang ako’y mahulog sa kawalan.
Magulo man ang istorya, ito ang kabuuan... Siya’y may sakit sa pag-iisip at hindi niya alam na lahat ng nangyari at narinig na bulungan ay naganap lamang sa loob ng kanyang isipan. Ang pagiging rebelde niya ay kanyang iniisip lamang. Kaya ang mabuting gawin ay kausapin ang mga taong sa tingin niyo’y may pinagdadaanan. Baka may mga boses na kumakausuap sa kanila at mawala na sila sa mundong ito. Hangga’t maaari kausapin ang mga taong malalapit sa inyo at alamin ang kanilang mga damdamin.Huwag din manghusga ng mga tao. Kung hindi niyo pa sila kilala pigilan ang mga matatalas na dila... Isang payo lamang ngunit hindi ko pa nararanasan... Diyan na nagtatapos ang punong-puno ng katotohanan na dapat sa Huwebes ko ginawa.