Kumilos man o hindi,
kusa akong tinutulak ng daigdig na dumerecho - gamit ang pag-ikot nito,
tinataguyod ng hangin upang tumungo sa nararapat patunguhan,
inaakay ng pag-ibig - papunta sa destinasyong dapat kalagyan -
pag-ibig na hindi lamang mula sa aking kinatatayuan, ngunit maslalo pa, galing sa mga mahal sa buhay, sa sarili't sa 'Iyo na tunay na pinagmulan
Wala man akong gawin, pinakikilos mo ako -
Wala man akong ipusta, sinasamahan mo pa din ako tungo sa kung saan man ay nararapat -
May pinagdadaanan mang mabigat, o wala -
May kinakatakot man, pinagtataguan, tinatakasan, o wala -
Ang pagmamahal mo na hindi nagbabago, na punung-puno, ay di tumitigil na ako'y ipaglaban, samahan - kahit pa ramdam kong ako'y kulang na kulang.
May excuse man o wala, may kapalpakan man o pagka-ewan, ang 'yong puso'y nasa aking puso, hindi napapagod - buhay, hindi nagtitiis - hindi kelanman ako'y "pinagtiisan" o pinagtiyagaan lamang.
Pagmamahal mong hindi kailanman maintindihan kung bakit, pawang umiibig lamang.
Kumilos man o hindi, sana'y unti-unti, sana'y dahan-dahan, sana'y kahit papaano'y makaabot ako sa ako na walang takot sumukli, kahit pa hindi mo ako nirequire kelanman sumukli, pero para man lamang makapagpasalamat at makapagpugay, ng tama at naaayon sa 'yong walang hanggang kabutihan.
salamat







