"Hindi ako nagkulang, sadyang mas pinili mo lang ang taong magpaparamdam sa'yo na kulang ka."

seen from Malaysia
seen from United States

seen from Singapore

seen from Malaysia
seen from China
seen from Netherlands
seen from United States
seen from Japan
seen from China
seen from Brazil
seen from United States
seen from United States
seen from China

seen from United States

seen from Israel
seen from United States

seen from United States
seen from Australia
seen from Malaysia

seen from Indonesia
"Hindi ako nagkulang, sadyang mas pinili mo lang ang taong magpaparamdam sa'yo na kulang ka."
Kung Paano Hindi Naging Tayo
Sampong taon.
Ganyan katagal tayong magkakila.
Minsan naiisip ko kilala nga ba talaga kita?
Oo, kilala kita.
Mula sa kung paano kumunot ang noo mo kapag may napansin kang hindi mo gusto. Kung paano mawala ang mga mata mo sa tuwing ngingiti ka.
Alam ko rin ang paboritong mong kulay, ang mga kantang laging mong pinapakinggan, mga pelikulang ilang beses mo ng pinanood pati na rin ang mga linyang kinabisado mo.
Sinumulan kong pakinggan ang mga bandang gusto mo, panoorin ang mga paborito mong pelikula, bilhin halos lahat na libro ng paborito mong manunulat.
Para saan? Para may pag-usapan tayong dalawa. Yun lang yun.
Magdamag tayong magkausap sa chat tungkol sa mga bagay sa skwelahan, mga assignment, project, reaction paper.
Humihingi ka ng recommendation ng magagandang kanta o magaling na banda. Na sa totoo lang ay pinagdadamot ko talaga, pero ibibigay ko pa din.
Para saan? Para may pag-usapan tayo. Yun lang yun.
Sabay tayong tumatawa sa mga inside joke na tayo dalawa lamang ang nakakaintindi. Kakanta ng mga tugtogin na tayong dalawa lang sa buong klase ang may alam.
"Oy! baka madevelop kayo." Biro ng isang kaklase natin.
Tumawa lang tayong dalawa at sabay sumagot na "Wala kang pake." At saka muling tumawa.
Tumawa ako. Oo. Tumawa ako.
Dahil akala ko kasi dun ang punta natig dalawa.
Hanggang isang araw. Isang araw na sana hindi na dumating.
Pinakilala mo ako sa babaeng kasama mo bilang "Bestfriend"
Ngumiti ako. Oo, Ngumiti na lang ako.
kung sakaling hindi mo na ako maalala
mananatiling nakaukit
ang aking hakbang sa lupa
patungo sa paraiso
na minsan natin pinangarap
kung sakaling hindi mo na ako mahanap
tandaan mo na hindi ako nawala,
sadyang magkaiba lang tayo
ng daan na tinahak
M | 379
Visual: Alone/Together (2019) dir. Antoinette Jadaone
Sinta, ilang beses ko nang sinubukang limutin ka. Ngunit bakit ang anino mo'y sunod-sunuran pa sa isip kong nalulunod na?
Umalis nang kay bilis, sinubukang nang lumayas. Ngunit di parin makatakas. Kahit saan man, parating natatagpuan ang aking mga bakas.
Di matigil sa pagtawag nang parang ina sa kanyang anak sa kalsada. Tumatawag na parang may kailangang isauli. Nasama sa kargada sa pagmamadali.
Kahit tanging dala ay ang pusong nawili sa isang bagay na nag-agaw buhay nang makarating sa huli.
Mga bakas na sumisigaw ng malakas sa gitna ng paliko-likong landas.
Tinatawag lang ang iisang tao. Isinisigaw lang ang matamis na pangalan mo
Sa gitna ng tahimik na kalsadang ito, palayo nang palayo, derecho nang derecho.
Hindi na dapat pang huminto ako.
Kailangan nang lumayo nang matapos na ito.
Ngunit tuloy lang sa pag-echo ang kagandahang loob mo.
Pilit na kumakatok sa pintuan ko
//
“Walang ibang maibibigay Kung 'di pag-ibig kong tunay
Sinta, handog ko ang mga bituin Na bagay sa mata mong nakatutunaw kung tumingin
Ngunit patawad kung di na umusad Ang isip ko sa pagtataka Nang malaman kong ang buwan na pala Ang parati mong tinitingala”
//
Ang mga sinabi mo habang lumilindol sa ating mundo, tila gulong na paikot-ikot sa pagsulong.
Habang minamaneho ang imahinasyon ko, maya’t maya dinadalaw ng antok ang isipang gustong patulugin.
Alam kong mga ala-alang nalimutang bitbitin ay unti-unting pipinuhin nang parang buhangin sa dagat, sabay na aanurin ng tubig kasama ang pag-ibig natin.
At ang sandatang gagamitin ay ang pagtanggap na pipiliting maangkin.
Hanggang sa tanging iisipin ay ang aral na idinulot ng lahat sa akin.
Ika-tatlo ng Hulyo, taong 2019 // Sa Oras na 1:12 ng Hapon
"Sa madaling salita, kung totoong minamahal ka hindi ka niya kailanman iiwan mag isa."
-pierre
Aking sinta🌅
8:45AM
Setyembre 16, 2019//Lunes
Malungkot ang panahon kasabay ng nadarama ko sa mga oras na 'to, malamig ang simoy ng hangin na yumayakap sa aking balat, basa ang mga halaman, dahon, lupa at lahat ng tao'y abala't kumakaripas sa paglalakad sa umagang ito buhat nang malakas na ulan. Ngayong mga oras na ito ay ang vacant ko, katatapos ko lang sa pagbabasa ng isang kwento na aking ituturo rin mayamaya sa isa kong klase, hindi sa wala akong magawa o gagawin kaya ako nagsusulat ngayon kundi dahil ito lang naiisip kong paraan para makipag-ugnayan sa isang katulad mong labis kong minamahal. Kung mababasa mo man ito sa araw na ito sa kahit ano oras, dahil tiyak ko naman na hindi imposibleng mabasa mo ito. Mahal ko, gusto mong malaman ang dahilan ng pagsulat ko? Kasi, mahal. Alam mo ba? Natulog ako kanina na masama ang loob ko at nagising naman ako mula sa pagkakatulog na nalulungkot. J, hindi ko layunin na pag-isipin ka o palungkutin ka dahil sino bang gustong makita ang taong mahal nya na nalulungkot? Ang gusto ko lamang ay sabihin ang tunay kong nararamdaman magmula pa kagabi. Ang sikip-sikip ng dibdib ko non, na para bang gusto ko nalang matulog at huwag ng gumising pa, tila ba isang batang inagawan ng laruan na gustong magsisigaw, magtatalon at umiyak sa tabi dahil ung bagay na gusto mo ay naagaw sa'yo at sa kadahilanan na hindi na ito sa iyo. Mahal ko, ang sakit-sakit sa puso't isipan kasing maramdaman at isipin na yung taong gusto mo o mahal mo ay kailanman ay hindi mapapasa'yo o hindi mo kailanman maaangkin, nakukuntento nalang sa mga salitang binibitawan o sinasambit kaya patuloy pa rin nating pinanghahawakan ang isa't isa. Parang ganito lang kasi ang naiisip ko eh, na kahit nasa tabi kita ngayon o magkausap tayo sa parehong taon o panahon ay hindi maiwawaglit sa isipan ko na iiwan o lilisanin mo rin ako, lalo na kapag nilamon na ako ng kalungkutan at kahibangan ko na balang araw-na isang araw ay may iba ka ring iibigin, mahal ko? Maswerte't mapalad siya kung ganon ang kahahantungan nya't kapiling ka, na habang buhay ko itong kaiinggitan at pagsisisihan sa buong buhay ko. Maisip ko palang iyon ay hindi ko na kinakaya at parang ikamamatay ko na. Na biglang susulpot ang kaisipang maglalaho at magbibitak-bitak ang puso ko sa libo-libong parte, masakit mahal ko, ang sakit-sakit. Mahal ko, pero kahit ganon pa man ang nangyayari, patuloy pa rin kitang iniibig mula sa malayo, tinatanaw ka't nakukuntento na makita ang mga ngiti ng iyong labi at mga mata na isinasambit kahit na hindi ng iyong mismong bibig na mahal mo ako, na mahal mo rin ako at nalulungkot ka rin sa nangyayari sa atin. Mahal ko, hindi ko hangarin na saktan ka't paasahin pero sa tingin mo ba'y kalabisang hilingin na manatili ka sa buhay ko hanggang ako ang itinitibok ng puso mo o minamahal mo? At kung dumating man yung araw na hindi na ako yung mahal mo doon palang ako hihinto at aalis. Maaari bang mangyari iyon? Kasi kung maaari man iyon mahal ko handa akong magtiis dahil ayokong hindi ka nakikita't nakakausap, hindi ko kaya o hindi ko kakayanin. Hindi ko rin maipapangako na hindi kita masasaktan o mapapaluha, pero sinisigurado kong may dahilan mahal ko ang sakit at luhang mararamdaman ng pareho nating damdamin. Mahal ko, mahal kita. Huwag piliin ang pagsuko ha? Piliin natin ang pananatili.
Pero kung sakali ako ay susulat ulit
Pwede bang mahaba para masulit?
Masakit kasi isipin na laging sapat
Hanggang masabi ko buo at karapat-dapat
Chinita
Sugal
Handa ka bang sumugal para sa akin mahal?
Handa ka na bang tumaya sa ating pagmamahalan?
Ang ating pag-ibig ba ay handa mo nang ipaglaban?
Handa ka na bang harapin ang mga hadlang?
Handa mo na ba akong ipagsapalaran kahit wala namang kasiguraduhan?
Handa ka bang ibigay ang lahat para makamtan ang minimithi nating pagtatagal at kaligayahan?
Handa ka bang tumanggap ng pagkatalo at kabiguan?
Dahil kung handa ka na, halina't samahan ako sa relasyon nating parang sugal
Tayo ay kampi dito, mahal
At ang kalaban natin ay ang mundo
Mundong napapalibutan ng mga mapanghusgang tao
Mundong kung saan nandoon tayo
Nakikipaglaban ng taos puso
Ipinaglalaban ang hinihingi nating pag tanggap ng mga taong akala mo kung sino
Handa akong maubusan, mahal
Handa akong mabigo sa pinasok nating sugal
Dahil manalo o matalo,
Tataya at tataya pa rin ako sayo.