isang bagay na namimiss ko.
kanina habang kachat ko si ava:
ciq_odelarosa:may tanong ako. ano palang dream job mo?
Mon SP:hahaha ibang stress kasi ang work sa friendship stuff.
Mon SP:hmm.. maging project manager or maging teacher or both!
ciq_odelarosa:editor in chief parang devil wears prada at the same time photojournalist for open doors yun yung pag single pa ko. pero pag mommy na, housewife pati interior designer. tas may coffeehouse/diner na minamanage (shocks andami)
ciq_odelarosa:re the friendship stuff, i agree. nakakastir ng heart kasi.
Mon SP:magkakasundo kayo ni nanay sa coffeehouse at interior design. haha
So mas magfocus tayo dun sa dream job.
Kanina ko lang narealize na talagang gusto ko ang pagtuturo. So tinanong ko pa ang sarili ko, ANO BA ANG GUSTO KO SA PAGTUTURO?
Una: Ang saya sa pakiramdam nang pagprepare ng lesson plan/topic/message. Yung nagreresearch ka, nagtatanong pa para lumalim ang kaalaman mo dito ek ek ek. Tapos yung gagawa ka ng FLOW kung pano mo ituturo ito ng pinakamaiintidihan, logical, coherent, masaya tapos. BASTA yung maayos yung flow ng ideas. Paminsan(well kadalasan pala), pagnagqqt ako or pag may interesting akong nalalaman/naaaral/napapanuod, agad na pumapasok sa utak ko, 'pano ko ituturo? pano ito magiging relevant para sa taong/grupo ito?' tapos automatic na magiisip ng flow, examples, paminsan diagrams/charts(haha i love charts/basta visual)
Pangalawa: I love interacting with people. Yung makita kung pano sila magrerespond, pano sila matututo, pano nila iaapply yung kanilang natutunan. Or basta just the talk with the people I'm teaching. Kahit yung times na kailangan mo silang pagalitan(nung sa sunday school dati HAHA), pero you know naman na kailangan kasi nila yun.
Pangatlo: To see them grow. Or kung pano nila inaapply yung mga naturo ko. Yung fulfillment na makita sila magmature/matuto. Lalo na dito sa sv, yung biglang maturity ng mga bata in a short span of 4-5 years and to see them GROOOW. Yung paminsan ay parang nalagpasan ka na nila in their own ways and there's this small pride in me na sinasabi na kahit papano ay ginamit ka ni Lord para maggrow yung batang yun(na hindi na bata). *yun lang rin, nakakalungkot pag hindi mo nakikita or paminsan ay nawala pa yung mga tinuruan mo.
Pangapat: wala pa akong maisip. haha next time na. Basta narealize ko na gusto ko ang pagtuturo na maybe ay namana ko sa aking lolo at lola na teachers or sa tatay kong nagturo once sa upd at mahilig magsalita sa harap ng tao. Oh well, next na muna maglalaro pa ako at magaaral. Wow, ngayon lang ulit ako nakapagsulat ng mahabang blog ah. :)